No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
Masaganang Produksiyon ng Saging sa Oriental Mindoro Target ng HVCC PDF Print E-mail

Gloria, Or. Mindoro – May temang “ Training Course on Banana Production with Emphasis on Good Agricultural Practices, Post Harvest and Marketing Strategies” ang dalawang araw na seminar na isinagawa noong November 7-8 sa Grin Pl8t Restaurant sa bayang ito.

Sa pamamagitan ni Vice Mayor Loreto Perez bilang representante ni Mayor Romeo D. Alvarez malugod nitong tinanggap at sinuportahan ang nasabing seminar. Aniya, ikinagagalak niya at dito sa ating bayan napiling isagawa ang pag-aal, inaasahan niyang itoy makakatulong sa pagyabong ng produksiyon ng saging sa ating bayan at sa segunda distrito ng ating lalawigan.

Ayon kay G. Roman Dela Cruz ng MAgO inilunsad  ang ganitong pag-aaral sa layuning  iiwas sa mga pesteng umaataki at mga sakit na kumakapit sa bunga ng saging,  mapigilan ang pangingitim at tuluyang pagkabulok ng mga ito. Aniya ang magandang kalidad ng saging ay magbibigay din ng masaganang ani sa mga nagtatanim nito. Ang produksiyon ng saging ay lalaki at kapaki-pakinabang ito para sa lahat ng mga negosyante at mamimili.

Naging matagumpay ang seminar sa pakikipagtulungan nina OIC-Regional Executive Director DA-RFU IVB, Roberto T. Masbang, Provincial Agriculturist/Chairman, Economic Sector Or. Mindoro Rodolfo V. Valdez, Asst. Provincial Agriculturist/Provincial HVCC Coordinator Petronilo L. Dimailig, Regional HVCC Coordinator Corazon O. Sinnung, Municipal Agriculturist Roman Dela Cruz at  MAgO-HVCC Coordinator Lourdes C. Jamilla.(Melani E. Lagrana)

 
< Prev
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/2
pic_2.jpg BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA

                 
                Kasabay ng pasinaya, binuksan na ang bagong pamilihang bayan ng Gloria, Setyember 4, 2008 na pinangunahan nina Gob. Arnan C. Panaligan, Congressman Alfonso Umali, Jr. at LBP Dept. Mgr. Marlon De Castro kasama sina Mayor Romeo D. Alvarez at Vice Mayor Loreto S. Perez. 
           Sinaksihan ito ng mga Bokal ng Lalawigan sa pangalawang distrito, mga Sangguniang Bayan Members, mga opisyales ng 27 barangay sa Gloria at mga kawani ng pamahalaang bayan.                          
           Lumahok din sa motorcade mula brgy. Bulaklakan hanggang brgy. Banus  ang mga stall holders, business sectors, mga trysikel drivers at iba’t-ibang samahan sa Gloria,  Isinagawa naman ang misa pagkatapos ng nasabing motorcade sa bulwagan ng pamilihang bayan sa pamamagitan ni Bishop. Warlito Cajandig, D.D. at  Father Rogelio Baluyot, Jr.    
          Nagpasalamat si Mayor Alvarez sa lahat ng dumalo sa nasabing okasyon. Inihandog din niya ang palengke sa mga mamamayan ng Gloria. Sinabi nitong “ Ito po ay hindi ko sariling proyekto, proyekto po natin ito. Proyekto po ito ng mamamayan ng Gloria.”.

         Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.

      Tinatayang P 20,000,000.00 ang ginugol ng pamalaang bayan sa pagpapagawa ng bagong palengke na ipinahiram ng Land Bank of the Philippines sa pamamagitan ni Dept. Mgr. Marlon De Castro at karagdagagang P5,000,000.00 mula sa pamahalaang bayan.  Nagkaisa naman ang mga bokal sa pangalawang Distritro na sina Ernesto E. Liwanag, Ramil O. Dimapilis at Romeo Buenaventura sa pagsasabing malaking hakbang tungo sa pag-unlad ang ginawa ng punong bayan.
     Nakigalak din sina 2nd District Congressman Alfonso Umali,Jr.,  Provincial Administrator Atty. Adel Abas at Or. Mindoro PCL Pres. Robert Concepcion sa pagdaraos  ng okasyon.

Read more...
 
Editorial
SA MGA BISIG NG GLORIANO           Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-44 na taong anibersaryo nang pagkakatatag ng ating bayan sa Oktubre 1, ang tema nito ay nakasentro sa “Pagtataguyod ng mga Proyektong Pambayan, Pagsulon... Read more...
Ordinances and Regulations
PERMIT SA MGA OWNERS at HAULERS NG POTABLE WATER HILING NG RHU, MENRO GLORIA, Oriental Mindoro - Isang pagpupulong ang isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Rural Health Unit (RHU) kamakailan sa lahat ng owners at haulers ng potable water sa Sangguniang Bayan Session Hall. ... Read more...
 
Features
kawit_1.jpg BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA       Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa ... Read more...
Message from the Mayor
Mga Programa ng Pamahalaang Bayan, Tungo sa Kaunlaran              Halos masasabi kong nasa kaayusan na ang kalagayan ng ating bayan. Bagamat may mga kakulangan pa tayong nakikita, ito ay patuloy pa rin nating ginagawan nang paraan upang matugunan... Read more...
 
Business
untitled.jpg KABABAIHAN NAGSANAY SA PROGRAMA NG NLDC AT LCDC      Nagsanay ang mga kababaihan  sa Gloria  sa paggawa ng mabangong sabon, sabong panlaba at kandila sa ilalim ng programa ng National Livelihood   Development Corporation(NLDC) at LOBO Community a... Read more...
Sports
bak_1.jpg EXHIBITION GAME, MAAKSYON!             Nagbigay aliw sa mga manonood ang maaksiyong paglalaro ng basketball ng mga Sangguniang Bayan Members at Department Heads laban sa mga Punong Barangay ng Gloria sa isang exhi... Read more...
 
Events and Activities
alay_lakad.jpg ALAY LAKAD, ALAY TANIM Alay Lakad, Alay Tanim: Pinangunahan nina Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto S. Perez at SB Members, sa pakikipagtulungan ng C CMO COY, CMO Bn (P) 2ID, PA CHARLIE COY, 4IB, 2ID, PA, PNP-Gloria, BFP, NGO’s, PO’s, mga Sanggu... Read more...
News
PR-MEDIA POINT PERSONS, NAGSANAY SA BASIC NEWS WRITING           Makakalap ng tama at napapanahong balita. Ito ang layunin ng isinagawang one-day work shop on basic news writing sa Grin Pl8 Restaurant, Maligaya, Gloria, Setyembre 12, 2008.   &... Read more...
 
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

Visitor Counters

Visits today: 10
Visits yesterday: 61
Visits month: 303
Visits total: 14771
Max.monthly visits: 2140
  occurred: 2008-8
Pages this month: 6334
Pages total: 280116

Visitors by Country

Totals Top 25
 37 % Philippines
 20 % United States
 5 % United Kingdom
 4 % Saudi Arabia
 4 % Germany
 4 % Latvia
 3 % Russian Federation
 2 % China
 2 % Netherlands
 2 % Ukraine
 2 % Sweden
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Panama
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % France
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Singapore
 < 1.0 % Thailand
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % United Arab Emirates
 < 1.0 % Lithuania