| ACP, PINANGUNAHAN ANG PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL SA GLORIA |
|
|
|
|
ACP, PINANGUNAHAN ANG PANUNUMPA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL SA GLORIA Gloria, Oriental Mindoro - Pinangunahan ni Provincial Governor Arnan C. Panaligan ang panunumpa ng may 388 bagong halal na opisyal ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng bayan ng Gloria sa ginanap na Mass Oath-Taking Ceremony noong November 24 sa Municipal Gymnasium. Pormal nang umupo sa kanilang bagong tungkulin ang mga Kapitan, Kagawad , S.K. Chairman at S.K. Kagawad ng mga barangay matapos sumumpa sa harap ng Gobernador, Punong-Bayan Romeo D. Alvarez, Pangalawang Punong-Bayan Loreto S. Perez, mga Miyembro ng Sangguniang Bayan at mga mamamayan ng Gloria na tutuparin nila ang kanilang tungkulin alinsunod sa pinaiiral ng batas. Hinikayat ni Punong Lalawigan- ACP ang mga bagong halal na opisyal na masigasig na tuparin ang iniatang na tungkulin ng buong katapatan para sa pag-unlad ng Gloria at nang buong lalawigan. Mapalad din ang Gloria sapagkat ito pa lang ang pangalawang bayan sa Silangang Mindoro na siya ang nangasiwa ng panunumpa ng mga bagong hirang na opisyales ng barangay Sa huli, isa-isa niyang kinamayan ang lahat ng nagwaging opisyal at personal na binati. Paghamon naman ang laman ng mensahe ni Mayor Romeo D. Alvarez para sa mga newly elected officials. Aniya, “suklian ninyo ang pagtitiwalang ibinigay sa inyo ng taong-bayan, wag padadala sa pulitika, ang mahalaga ay ang paglilingkod sa bayan.” Binigyang diin din niya na dapat suportahan ang itinalagang Barangay Captain lalo’t higit ng mga Kagawad at S.K. Chairman at dapat na magkaisa para sa pag-unlad ng barangay. Umuwi ang mga bagong opisyales baon ang magagandang tagubilin ng mga nakatataas na magiging gabay nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin. (JENEFER S. GAN) |
| < Prev | Next > |
|---|



BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA
Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.
BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA
Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa ...
Read more...
KABABAIHAN NAGSANAY SA PROGRAMA NG NLDC AT LCDC
Nagsanay ang mga kababaihan sa Gloria sa paggawa ng mabangong sabon, sabong panlaba at kandila sa ilalim ng programa ng National Livelihood Development Corporation(NLDC) at LOBO Community a...
Read more...
EXHIBITION GAME, MAAKSYON!
Nagbigay aliw sa mga manonood ang maaksiyong paglalaro ng basketball ng mga Sangguniang Bayan Members at Department Heads laban sa mga Punong Barangay ng Gloria sa isang exhi...
Read more...
ALAY LAKAD, ALAY TANIM
Alay Lakad, Alay Tanim: Pinangunahan nina Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto S. Perez at SB Members, sa pakikipagtulungan ng C CMO COY, CMO Bn (P) 2ID, PA CHARLIE COY, 4IB, 2ID, PA, PNP-Gloria, BFP, NGO’s, PO’s, mga Sanggu...
Read more...| Visits today: | 5 |
| Visits yesterday: | 61 |
| Visits month: | 298 |
| Visits total: | 14766 |
| Max.monthly visits: | 2140 |
| occurred: | 2008-8 |
| Pages this month: | 6261 |
| Pages total: | 280043 |
| Totals Top 25 | ||
![]() | 37 % | Philippines |
![]() | 20 % | United States |
![]() | 5 % | United Kingdom |
![]() | 4 % | Saudi Arabia |
![]() | 4 % | Germany |
![]() | 4 % | Latvia |
![]() | 3 % | Russian Federation |
![]() | 2 % | China |
![]() | 2 % | Netherlands |
![]() | 2 % | Ukraine |
![]() | 2 % | Sweden |
![]() | < 1.0 % | India |
![]() | < 1.0 % | Canada |
![]() | < 1.0 % | Panama |
![]() | < 1.0 % | Korea, Republic of |
![]() | < 1.0 % | France |
![]() | < 1.0 % | Unknown |
![]() | < 1.0 % | Brazil |
![]() | < 1.0 % | Italy |
![]() | < 1.0 % | Spain |
![]() | < 1.0 % | Singapore |
![]() | < 1.0 % | Thailand |
![]() | < 1.0 % | Japan |
![]() | < 1.0 % | United Arab Emirates |
![]() | < 1.0 % | Lithuania |