| Tangkilikin, Sariling Atin |
|
|
|
|
Malaking bagay na magkaroon ng sariling palengke ang ating bayan. Maaaring hindi pa natin nakikita ang magiging resulta nito sa kasalukuyan. Pero, kung pagtutuunan natin ng pansin, mas magdudulot itong malaking pagbabago sa atin, hindi lamang sa ating bayan. Una, maaring makatipid na tayo sa pamasahe lalo na kung sa bayan ka ng Pinamalayan namimili. Pangalawa, mas may potensiyal ng makilala ang mga produktong gawa sa ating bayan at magbubukas ito para sa malaking produksiyon. Pangatlo, ang paglaki ng produksiyon ay mangangailangan ng mangagawa upang matugunan ang production demand. Mayroon ng trabaho. Pangapat, ang pagkaroon ng trabaho ay mag-aangat sa ating pamumuhay at Panlima, may pagkakataon na tayong paunlarin ang ating sarili mula sa ating kinikita. Dito pumapasok ang maayos na pamumuhay, natutugunan ang mga pa- ngangailangan ng isang pamilya, tulad ng bahay, pagkain at damit. Ang edukasyon at kalusugan ang lundo ng lahat. Kung may sapat na trabaho maaabot din natin ang de kalidad na edukasyon lalo na para sa ating mahihirap. Isipin na lang natin ang maaabot natin bilang isang bayan kung lahat ng populasyon ng Gloria ay aral at marunong! Bagamat ang edukasyon at kalusugan ang ilan sa mga programang isinusulong ng pamahalaang bayan, ang maraming basiko at mahahalagang serbisyo ay madali ng maibibigay sa atin kung katulong tayong aabutin ang mga bagay na ito. Ang pagbubukas ng pamilihang bayan ay hindi lamang nakasentro sa pagbebenta at pamimili ng mga kalakal. Mas may malaki itong epekto sa kabuuang aspeto ng ating bayan kung ito ay ating tatangkilikin, dahil ang pag-ulad nito ay nasa ating pagsuporta. |
| < Prev |
|---|



BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA
Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.
BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA
Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa ...
Read more...
KABABAIHAN NAGSANAY SA PROGRAMA NG NLDC AT LCDC
Nagsanay ang mga kababaihan sa Gloria sa paggawa ng mabangong sabon, sabong panlaba at kandila sa ilalim ng programa ng National Livelihood Development Corporation(NLDC) at LOBO Community a...
Read more...
EXHIBITION GAME, MAAKSYON!
Nagbigay aliw sa mga manonood ang maaksiyong paglalaro ng basketball ng mga Sangguniang Bayan Members at Department Heads laban sa mga Punong Barangay ng Gloria sa isang exhi...
Read more...
ALAY LAKAD, ALAY TANIM
Alay Lakad, Alay Tanim: Pinangunahan nina Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto S. Perez at SB Members, sa pakikipagtulungan ng C CMO COY, CMO Bn (P) 2ID, PA CHARLIE COY, 4IB, 2ID, PA, PNP-Gloria, BFP, NGO’s, PO’s, mga Sanggu...
Read more...| Visits today: | 14 |
| Visits yesterday: | 61 |
| Visits month: | 307 |
| Visits total: | 14775 |
| Max.monthly visits: | 2140 |
| occurred: | 2008-8 |
| Pages this month: | 6358 |
| Pages total: | 280140 |
| Totals Top 25 | ||
![]() | 37 % | Philippines |
![]() | 20 % | United States |
![]() | 5 % | United Kingdom |
![]() | 4 % | Saudi Arabia |
![]() | 4 % | Germany |
![]() | 4 % | Latvia |
![]() | 3 % | Russian Federation |
![]() | 2 % | China |
![]() | 2 % | Netherlands |
![]() | 2 % | Ukraine |
![]() | 2 % | Sweden |
![]() | < 1.0 % | India |
![]() | < 1.0 % | Canada |
![]() | < 1.0 % | Panama |
![]() | < 1.0 % | Korea, Republic of |
![]() | < 1.0 % | France |
![]() | < 1.0 % | Unknown |
![]() | < 1.0 % | Brazil |
![]() | < 1.0 % | Italy |
![]() | < 1.0 % | Spain |
![]() | < 1.0 % | Singapore |
![]() | < 1.0 % | Thailand |
![]() | < 1.0 % | Japan |
![]() | < 1.0 % | United Arab Emirates |
![]() | < 1.0 % | Lithuania |