No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
Nagtatagumpay ng Mangyan Chess Club PDF Print E-mail
Marami ng samahan ang naitatayo sa ating lalawigan at hindi rin maikakaila na ilan dito ay nasa ating bayan, nagtatagumpay at unti-unti nang umaani nang pagkilala mula sa iba’t-ibang sektor sa ating bayan. Isa na dito ang Mang- yan Chess Club. Via-email, kinapanayam ng Gloria Ngayon ang isa sa nagtaguyod ng samahang ito upang ikuwento sa atin ni Ginoong Vic Ruskin Ong ang tungkol sa Mangyan Chess Club. Narito ang highlight ng aming cyber interview.

Paano/Kailan nagsimula ang Mangyan Chess Club?

VIC RUSKIN ONG (VRO):Nagsimula ito sa isang palaro noong May 31, 2007 Sinu-sino ang bumubuo sa kasalukuyan ng samahang ito? VRO: Chess enthusiasts mula sa Socorro, Gloria at Bansud

Sino ang nagtatag ng Mangyan Chess Club?

VRO: Kami nila Christian SanJose at Ronnel Vitto with the special assistance of Boy Nieva and Captain Francis Mendoza of Pinamalayan.

Anu-ano ang layunin ng samahang ito, bakit ito itinatag?

VRO: Para magtatag ng kapisanan ng manlalaro na magpapaunlad sa laro at magkasama-sama ang lkapwa manlalaro. Dedikado din ito sa pagpapaunlad ng Online Community of Mindoreños , ang www.mangyan.net Ang pinakalundo ng aming layunin ay makagawa ng isang sistema sa pag aawas ng buwis sa ne- gosyo. Sa halip na bayaran ang lahat ng buwis sa gobyerno, ang bahagi nito ay gagamitin upang paunlarin ang larong lokal. Ginagawa na ito ng maraming negosyante sa ngayon.

Anu-ano ang mga kinakailangan upang ma-ging miyembro ng inyong samahan?

VRO: Bukas ito sa lahat ng interesadong maglaro ng chess at maging mahusay dito at pagsaping bayad na Php 100.00. Isang beses lamang ang pagbabayad. Ibig sabihin ang lahat ng miyembro ay makakalahok sa sunod na laro at wala ng iba pang babayaran. Ang isandaang piso ay kinukolekta lamang para masigurong interesado sila sa laro. Walang kitang nangagaling sa bayad ng kasapi dahil mas malaki ang nagagastos sa pagsasagawa ng palaro.

May mga kwalipikasyon ba dapat ang mga nais na maging miyembro ng MCC?

VRO: At least knowledgeable on the game basics. Hindi pa kami makapagtuturo sa ngayon, pero maaa -ring sa darating na panahon.

Sino ang maaaring maging miyembro ng MCC, bukas ba ito para sa lahat ng mga taga Mindoro lamang? VRO: Bukas ito sa lahat ng Mindoreño. Saan nagmumula ang inyong pondo sa pagsasagawa ng mga palaro?

VRO: Sa aking maliit na negosyo. Mayroon akong on line web/email hosting at website development services at www.mangyan.net, kaya, kung kailangan ninyo ng web hosting or website whether personal, business corporate or organization. Makapagbibigay kami ng abot-kayang solusyon

Mayroon na bang isponsor ang inyong samahan?

VRO: Oo. 1) VT Store, hinihiram ko ang lugar, ang tent at nagbibigay din sila ng libreng pagkain kapag may palaro. 2) Manilahost web services (registered as Mangyan. Webworx in Mindoro) at 3) MANGYAN.NET online community of Mindoreños).

May mga rekognasyon na bang natanggap ang MCC?

VRO: Sa kasalukuyan, wala pa, nasa proseso pa kami para manatilihing regular ang miyembro para mairehistro ito as non-profit organization .

Ilan beses na kayong nagsagawa ng chess tournament simula nang maitatag ito/saan?

VRO: Dalawa. Sa parehong lugar sa tabi ng Mang- yan.Webworx office na nasa brgy. Maligaya, Gloria, Oriental Mindoro.

Anu-anong mga premyo ang maaring matanggap ng mga nananalong manlalaro?

VRO: Cash para sa top 3 players, chessboard para sa sunod na sampung nanalo.

Mga pangalan ng mga nagwaging manlalaro sa chess tournament?

VRO: 1st Mark Margarito (Gloria), 2nd Jayson Lozano (Pinamalayan), 3rd Joel Tatad (Gloria), second tournament: 1st Raymond Tenoso (Pinamalayan),2nd Mark Margarito (Gloria), at 3rd Jayson Lozano (Pinamalayan). Para sa mga interasadong maging miyembro. Mag-email lang sa sa www.mangyan.net para sa iba pang impormasyon.

(Ed. Note: Amin ang pagsasalin sa tagalog ng kasagutan ni G. Vic Ruskin Ong sa aming panayam sa kaniya via-email)

 
< Prev   Next >
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/2
pic_2.jpg BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA

                 
                Kasabay ng pasinaya, binuksan na ang bagong pamilihang bayan ng Gloria, Setyember 4, 2008 na pinangunahan nina Gob. Arnan C. Panaligan, Congressman Alfonso Umali, Jr. at LBP Dept. Mgr. Marlon De Castro kasama sina Mayor Romeo D. Alvarez at Vice Mayor Loreto S. Perez. 
           Sinaksihan ito ng mga Bokal ng Lalawigan sa pangalawang distrito, mga Sangguniang Bayan Members, mga opisyales ng 27 barangay sa Gloria at mga kawani ng pamahalaang bayan.                          
           Lumahok din sa motorcade mula brgy. Bulaklakan hanggang brgy. Banus  ang mga stall holders, business sectors, mga trysikel drivers at iba’t-ibang samahan sa Gloria,  Isinagawa naman ang misa pagkatapos ng nasabing motorcade sa bulwagan ng pamilihang bayan sa pamamagitan ni Bishop. Warlito Cajandig, D.D. at  Father Rogelio Baluyot, Jr.    
          Nagpasalamat si Mayor Alvarez sa lahat ng dumalo sa nasabing okasyon. Inihandog din niya ang palengke sa mga mamamayan ng Gloria. Sinabi nitong “ Ito po ay hindi ko sariling proyekto, proyekto po natin ito. Proyekto po ito ng mamamayan ng Gloria.”.

         Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.

      Tinatayang P 20,000,000.00 ang ginugol ng pamalaang bayan sa pagpapagawa ng bagong palengke na ipinahiram ng Land Bank of the Philippines sa pamamagitan ni Dept. Mgr. Marlon De Castro at karagdagagang P5,000,000.00 mula sa pamahalaang bayan.  Nagkaisa naman ang mga bokal sa pangalawang Distritro na sina Ernesto E. Liwanag, Ramil O. Dimapilis at Romeo Buenaventura sa pagsasabing malaking hakbang tungo sa pag-unlad ang ginawa ng punong bayan.
     Nakigalak din sina 2nd District Congressman Alfonso Umali,Jr.,  Provincial Administrator Atty. Adel Abas at Or. Mindoro PCL Pres. Robert Concepcion sa pagdaraos  ng okasyon.

Read more...
 
Editorial
SA MGA BISIG NG GLORIANO           Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-44 na taong anibersaryo nang pagkakatatag ng ating bayan sa Oktubre 1, ang tema nito ay nakasentro sa “Pagtataguyod ng mga Proyektong Pambayan, Pagsulon... Read more...
Ordinances and Regulations
PERMIT SA MGA OWNERS at HAULERS NG POTABLE WATER HILING NG RHU, MENRO GLORIA, Oriental Mindoro - Isang pagpupulong ang isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Rural Health Unit (RHU) kamakailan sa lahat ng owners at haulers ng potable water sa Sangguniang Bayan Session Hall. ... Read more...
 
Features
kawit_1.jpg BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA       Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa ... Read more...
Message from the Mayor
Mga Programa ng Pamahalaang Bayan, Tungo sa Kaunlaran              Halos masasabi kong nasa kaayusan na ang kalagayan ng ating bayan. Bagamat may mga kakulangan pa tayong nakikita, ito ay patuloy pa rin nating ginagawan nang paraan upang matugunan... Read more...
 
Business
untitled.jpg KABABAIHAN NAGSANAY SA PROGRAMA NG NLDC AT LCDC      Nagsanay ang mga kababaihan  sa Gloria  sa paggawa ng mabangong sabon, sabong panlaba at kandila sa ilalim ng programa ng National Livelihood   Development Corporation(NLDC) at LOBO Community a... Read more...
Sports
bak_1.jpg EXHIBITION GAME, MAAKSYON!             Nagbigay aliw sa mga manonood ang maaksiyong paglalaro ng basketball ng mga Sangguniang Bayan Members at Department Heads laban sa mga Punong Barangay ng Gloria sa isang exhi... Read more...
 
Events and Activities
alay_lakad.jpg ALAY LAKAD, ALAY TANIM Alay Lakad, Alay Tanim: Pinangunahan nina Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto S. Perez at SB Members, sa pakikipagtulungan ng C CMO COY, CMO Bn (P) 2ID, PA CHARLIE COY, 4IB, 2ID, PA, PNP-Gloria, BFP, NGO’s, PO’s, mga Sanggu... Read more...
News
PR-MEDIA POINT PERSONS, NAGSANAY SA BASIC NEWS WRITING           Makakalap ng tama at napapanahong balita. Ito ang layunin ng isinagawang one-day work shop on basic news writing sa Grin Pl8 Restaurant, Maligaya, Gloria, Setyembre 12, 2008.   &... Read more...
 
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

Visitor Counters

Visits today: 2
Visits yesterday: 61
Visits month: 295
Visits total: 14763
Max.monthly visits: 2140
  occurred: 2008-8
Pages this month: 6204
Pages total: 279986

Visitors by Country

Totals Top 25
 37 % Philippines
 20 % United States
 5 % United Kingdom
 4 % Saudi Arabia
 4 % Germany
 4 % Latvia
 3 % Russian Federation
 2 % China
 2 % Netherlands
 2 % Ukraine
 2 % Sweden
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Panama
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % France
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Singapore
 < 1.0 % Thailand
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % United Arab Emirates
 < 1.0 % Lithuania