No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
ANTI-ILLEGAL RECRUITMENT PINAIGTING NG POEA PDF Print E-mail
      Calapan City – Nagsagawa ng kampanya laban sa mga illegal recruiters ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) noong June 19 sa Anahaw Island View Beach Resort, Calapan City.
       Masugpo o di kaya ay mabawasan ang mapagsamanatalang illegal recruiters ang layunin nang nasabing pagpupulong gayundin, maipaalam sa mga kinauukulan at maipaliwanag ang mga hakbang na naaayon sa batas sakali mang maging biktima ng mga ito.
       Sa pangunguna ni Atty. John Rio Bautista (Operations & Surveillance Division Chief) at iba pang mga opisyales ng POEA ipinaliwanag nila ang mga usapin sa Anti-Illegal Recruitments ng POEA ang Applicable Laws on Illegal Recruitment o ang Republic Act (RA) 8042, Modus Operandi and 10 Don’ts of IR, Applicable Laws on Trafficking in Person (RA 9208) at Effective Implementation of the PESO Program and Introduction to RI Free LGUs.
       Dumalo sa naturang seminar ang mga Public Employment Service Office (PESO) Managers at PESO Assistants ng bawat bayan ng Silangang Mindoro, mga Punong Barangay at kapulisan ng siyudad ng Calapan, at mga estudyante ng Divine Word College of Calapan.
       Nagkaloob din ng mga sertipiko ang POEA sa lahat ng dumalo bilang tanda ng pasasalamat at pakikiisa sa layunin ng nabanggit na ahensiya kontra sa mga illegal recruiters.
 
< Prev   Next >
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/2
pic_2.jpg BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA

                 
                Kasabay ng pasinaya, binuksan na ang bagong pamilihang bayan ng Gloria, Setyember 4, 2008 na pinangunahan nina Gob. Arnan C. Panaligan, Congressman Alfonso Umali, Jr. at LBP Dept. Mgr. Marlon De Castro kasama sina Mayor Romeo D. Alvarez at Vice Mayor Loreto S. Perez. 
           Sinaksihan ito ng mga Bokal ng Lalawigan sa pangalawang distrito, mga Sangguniang Bayan Members, mga opisyales ng 27 barangay sa Gloria at mga kawani ng pamahalaang bayan.                          
           Lumahok din sa motorcade mula brgy. Bulaklakan hanggang brgy. Banus  ang mga stall holders, business sectors, mga trysikel drivers at iba’t-ibang samahan sa Gloria,  Isinagawa naman ang misa pagkatapos ng nasabing motorcade sa bulwagan ng pamilihang bayan sa pamamagitan ni Bishop. Warlito Cajandig, D.D. at  Father Rogelio Baluyot, Jr.    
          Nagpasalamat si Mayor Alvarez sa lahat ng dumalo sa nasabing okasyon. Inihandog din niya ang palengke sa mga mamamayan ng Gloria. Sinabi nitong “ Ito po ay hindi ko sariling proyekto, proyekto po natin ito. Proyekto po ito ng mamamayan ng Gloria.”.

         Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.

      Tinatayang P 20,000,000.00 ang ginugol ng pamalaang bayan sa pagpapagawa ng bagong palengke na ipinahiram ng Land Bank of the Philippines sa pamamagitan ni Dept. Mgr. Marlon De Castro at karagdagagang P5,000,000.00 mula sa pamahalaang bayan.  Nagkaisa naman ang mga bokal sa pangalawang Distritro na sina Ernesto E. Liwanag, Ramil O. Dimapilis at Romeo Buenaventura sa pagsasabing malaking hakbang tungo sa pag-unlad ang ginawa ng punong bayan.
     Nakigalak din sina 2nd District Congressman Alfonso Umali,Jr.,  Provincial Administrator Atty. Adel Abas at Or. Mindoro PCL Pres. Robert Concepcion sa pagdaraos  ng okasyon.

Read more...
 
Editorial
SA MGA BISIG NG GLORIANO           Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-44 na taong anibersaryo nang pagkakatatag ng ating bayan sa Oktubre 1, ang tema nito ay nakasentro sa “Pagtataguyod ng mga Proyektong Pambayan, Pagsulon... Read more...
Ordinances and Regulations
PERMIT SA MGA OWNERS at HAULERS NG POTABLE WATER HILING NG RHU, MENRO GLORIA, Oriental Mindoro - Isang pagpupulong ang isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Rural Health Unit (RHU) kamakailan sa lahat ng owners at haulers ng potable water sa Sangguniang Bayan Session Hall. ... Read more...
 
Features
kawit_1.jpg BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA       Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa ... Read more...
Message from the Mayor
Mga Programa ng Pamahalaang Bayan, Tungo sa Kaunlaran              Halos masasabi kong nasa kaayusan na ang kalagayan ng ating bayan. Bagamat may mga kakulangan pa tayong nakikita, ito ay patuloy pa rin nating ginagawan nang paraan upang matugunan... Read more...
 
Business
untitled.jpg KABABAIHAN NAGSANAY SA PROGRAMA NG NLDC AT LCDC      Nagsanay ang mga kababaihan  sa Gloria  sa paggawa ng mabangong sabon, sabong panlaba at kandila sa ilalim ng programa ng National Livelihood   Development Corporation(NLDC) at LOBO Community a... Read more...
Sports
bak_1.jpg EXHIBITION GAME, MAAKSYON!             Nagbigay aliw sa mga manonood ang maaksiyong paglalaro ng basketball ng mga Sangguniang Bayan Members at Department Heads laban sa mga Punong Barangay ng Gloria sa isang exhi... Read more...
 
Events and Activities
alay_lakad.jpg ALAY LAKAD, ALAY TANIM Alay Lakad, Alay Tanim: Pinangunahan nina Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto S. Perez at SB Members, sa pakikipagtulungan ng C CMO COY, CMO Bn (P) 2ID, PA CHARLIE COY, 4IB, 2ID, PA, PNP-Gloria, BFP, NGO’s, PO’s, mga Sanggu... Read more...
News
PR-MEDIA POINT PERSONS, NAGSANAY SA BASIC NEWS WRITING           Makakalap ng tama at napapanahong balita. Ito ang layunin ng isinagawang one-day work shop on basic news writing sa Grin Pl8 Restaurant, Maligaya, Gloria, Setyembre 12, 2008.   &... Read more...
 
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

Visitor Counters

Visits today: 2
Visits yesterday: 61
Visits month: 295
Visits total: 14763
Max.monthly visits: 2140
  occurred: 2008-8
Pages this month: 6206
Pages total: 279988

Visitors by Country

Totals Top 25
 37 % Philippines
 20 % United States
 5 % United Kingdom
 4 % Saudi Arabia
 4 % Germany
 4 % Latvia
 3 % Russian Federation
 2 % China
 2 % Netherlands
 2 % Ukraine
 2 % Sweden
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Panama
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % France
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Singapore
 < 1.0 % Thailand
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % United Arab Emirates
 < 1.0 % Lithuania