| MAHALAGANG PAPEL NG EDUKASYON SA KABATAAN |
|
|
|
Kinikilala ng Saligang Batas ang mahalagang papel ng kabataan sa pag-unlad ng lipunan. Itinalaga sa Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na dapat pangalagaan ng estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang edukasyon.
Ngunit sa kasalukuyan, maraming kabataan ang tambay at hindi nakapag-aaral. Marami sa mga magulang ngayon ang dumaraing sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Hirap ng badyetin ang kakarampot na kita sa pagkain pa lamang ng pamilya. Kaya ang resulta, saka na ang pag-aaral ng anak pagnakaluwag na daw.
Hindi na ito bagong kuwento sa atin. Subalit, ang epekto ay ang pagbigat ng pasanin. Parami at palaki na kasi ang pangangailangan ng pamilya, pero hindi nadaragdagan ang kita ni tatay o nanay. Paano nga ba magagampanan ng mga kabataan ang kanilang papel sa lipunan kung hindi sila makapag-aaral?
Ang bokasyunal na kurso ay isa sa mga alternatibong paraan upang malinang ang iba pang kakayahan. Ang pag-unlad ng karunungan ay hindi lamang nakabase sa akademikong aralin. Skills ang puhunan ng marami sa paghahanap ng trabaho. Papalaki ang pangangailangan ng job market sa mga skilled workers dito o sa iba pa mang bansa.
Ang edukasyon ang isa sa mga pangunahing programa na sinusuportahan ng pamahalaang bayan ng Gloria sa ilalim ng Alternative Resource Assistance for Learning or A.R.A.L. Project ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo D. Alvarez at Alay Lakad Foundation Municipal Chapter. Pinagkakalooban ang mga kabataang nakapasa sa ebalwasyon upang makapag-aral ng libre.
Sa kasalukuyan, laingdalawang (12) Colloge at dalawang (2) voc/tech scholars ang patuloy na titulungan sa aspetong pinansiyal. Sabi nga ng mga magulang natin, may isanlibo’t isang daan tayong magagawang paraan para resolbahin ang isang problema. Kung hindi makuha sa gusto nating paraan. Sa paraang ipinagtagumpay ng mga paham.
Ang pananagutan ng estado sa kabataan ay pananagutan din ng mga magulang at kabataan sa kaniyang sarili. Ang darating na panahon ay na sa mga kamay ng mga kabataan ngayon.
|
| < Prev | Next > |
|---|



BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA
Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.
BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA
Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa ...
Read more...
KABABAIHAN NAGSANAY SA PROGRAMA NG NLDC AT LCDC
Nagsanay ang mga kababaihan sa Gloria sa paggawa ng mabangong sabon, sabong panlaba at kandila sa ilalim ng programa ng National Livelihood Development Corporation(NLDC) at LOBO Community a...
Read more...
EXHIBITION GAME, MAAKSYON!
Nagbigay aliw sa mga manonood ang maaksiyong paglalaro ng basketball ng mga Sangguniang Bayan Members at Department Heads laban sa mga Punong Barangay ng Gloria sa isang exhi...
Read more...
ALAY LAKAD, ALAY TANIM
Alay Lakad, Alay Tanim: Pinangunahan nina Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto S. Perez at SB Members, sa pakikipagtulungan ng C CMO COY, CMO Bn (P) 2ID, PA CHARLIE COY, 4IB, 2ID, PA, PNP-Gloria, BFP, NGO’s, PO’s, mga Sanggu...
Read more...| Visits today: | 6 |
| Visits yesterday: | 61 |
| Visits month: | 299 |
| Visits total: | 14767 |
| Max.monthly visits: | 2140 |
| occurred: | 2008-8 |
| Pages this month: | 6294 |
| Pages total: | 280076 |
| Totals Top 25 | ||
![]() | 37 % | Philippines |
![]() | 20 % | United States |
![]() | 5 % | United Kingdom |
![]() | 4 % | Saudi Arabia |
![]() | 4 % | Germany |
![]() | 4 % | Latvia |
![]() | 3 % | Russian Federation |
![]() | 2 % | China |
![]() | 2 % | Netherlands |
![]() | 2 % | Ukraine |
![]() | 2 % | Sweden |
![]() | < 1.0 % | India |
![]() | < 1.0 % | Canada |
![]() | < 1.0 % | Panama |
![]() | < 1.0 % | Korea, Republic of |
![]() | < 1.0 % | France |
![]() | < 1.0 % | Unknown |
![]() | < 1.0 % | Brazil |
![]() | < 1.0 % | Italy |
![]() | < 1.0 % | Spain |
![]() | < 1.0 % | Singapore |
![]() | < 1.0 % | Thailand |
![]() | < 1.0 % | Japan |
![]() | < 1.0 % | United Arab Emirates |
![]() | < 1.0 % | Lithuania |