No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
BARANGAY AGSALIN, FISH SANCTUARY NG GLORIA PDF Print E-mail
    Ang baybaying dagat ng barangay Agsalin ay isa sa maipagmamalaking lugar ng Gloria. Dito matatagpuan ang Marine Protected Areas na may lawak na 36.5 ektarya at nagtataglay ng masaganang biyaya ng yamang dagat. Nanomina bilang outstanding Marine Protected Areas Finalist sa buong Pilipinas noong 2007, dahil sa mataas na pagpapahalaga ng pamahalaang bayan at mga mamamayan ng Agsalin na protektahan ang sanktuaryo na tirahan ng iba’t-ibang yamang dagat.
    Mula sa 826 nitong papulasyon, ang barangay Agsalin ang isa sa may mayamang lupain na nilinang ng mga naninirahan dito. Hindi man nakasulat sa karatula ang bawal ang tamad, naging panuntunan na ng mga mamamayan dito ang maging abala sa araw-araw, para kumita at mamuhay ng desinte at maayos.
    Dati ang Agsalin ay kilala sa “Nagsalin” na ang ibig sabihin ay nagsalin o nagsama ang dalawang ilog,ang Agsalin River at ang maliit na ilog na sakop ng Brgy Pag-Asa o Potpot River. Noong Oktubre 2, 1964 sa bisa ng proklamasyon ni dating Pangulong Diosdado Macapagal, kasabay ng pagkakahiwalay ng bayan ng Gloria sa bayan ng Pinamalayan, ito ay naideklarang Brgy. Agsalin.
    Noon lamang 2007, nadebelop ang tubigan o taniman ng palay dahil sa irigasyon na naipatayo ng DAR, NIA, MARO at Pamahalaang Bayan ng Gloria sa pakikipag-ugnayan ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez sa mga ahensyang nabanggit, para sa pagsasaka ng barangay Banus, Agsalin at katabi nitong barangay Pag-asa na sakop ng bayan ng Bansud. Ang pagtatanim ng palay, saging, gulayan, pangingisda, pagkokopra at pag-aalaga ng mga hayop ang mga pinagkakakitaan ng 55% ng mga mamayan dito. Umaabot naman sa 5% ang nasa ibang bansa at 40% ang natatrabaho sa ibang lugar tulad ng Metro Manila, Laguna, Batangas at iba pang lugar sa Pilipinas
    Ayon sa mga opisyales na nakapanayam ng Gloria Ngayon, kahit na may mga pangunahing gusaling nakatayo na sa kanilang brgy, tulad ng brgy hall, pamilihang barangay, day care center at health center, patuloy pa rin silang nagpaplano para maisaayos ang mga gusaling may mga kasiraan na.
    Nakalinya sa mga proyekto ng barangay ang brgy. hall na planong lagyan ang second floor. Kulang ang espasyo nito para makapaglagay ng mga kailangan cabinet sa pagsisinop ng kaukulang papeles at para sa privacy ng ilang maseselang usapin sa barangay.Ang stage, pamilihang barangay, pagsasaayos ng farm to market road na nasa boundary ng Maragooc at Agsalin at ang pagbubukas ng daan sa purok Dahlia patungong brgy. Pag-Asa Bansud, ay may malaking maitutulong para sa mga nagluluwas ng kopra, saging at iba pang mga produkto na nagmumula sa sitiong ito.     Dahil dito, masikap na ipinafollow-up ng mga opisyales ng barangay ang resolusyon na naipasa na sa mga opisyal ng ating lalawigan at pamahalaang bayan at naghihintay ng pagkakataon para mabigyan ng pondo na matugunan ang kakulangan ng kanilang barangay.
    Mula naman sa IRA at 20% Development Fund (DF) at tulong ng 10% SK Fund, natatanglawan ang kanilang pamayanan ng 13 street lights, ang solar dryer na nagagamit ng mga taga barangay para sa pagtutuyo ng palay, na may kaukulang 1 pisong butaw kapag umabot ng 10 sakong palay ang ibibilad, ang 5 waiting shed, barangay out post at culvert. Ang spiel way, patrol boat at guard house ay bahagi ang barangay sa labor nito, bagamat ang pondo sa pagpapatayo ay nagmula sa pamahalaang panlalawigan at bayan.
    Sinusuportahan din ng barangay at pamahalang bayan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang Day Care Center, gayundin ang mababang paaralan mula grade 1 hanggang grade six sa pakikipagtulungan ng DECS-Gloria District.
    Ang barangay ng Agsalin ay isa sa pinakamatahimik na barangay. Walang malaking krimen na nagaganap maliban sa maliliit na sigalut na agad na naisasaayos sa barangay. Ang mga tanod ng barangay sa pangunguna ni CBP Danilo Vitto ay patuloy na sinusuportahan ang katahimikan at kapayapaan ng pamayanan.  
 
KARANGALAN NG BARANGAY
    Ipinagmamalaki ng mga mamamayan ng Agsalin na ilan sa kanila ay nakapag-ambag ng karangalan sa kanilang pamayanan.
    Noong Oktubre 25, 2000, tinanggap ni Gng. Elvira Lacatan ang isang akreditasyon kaugnay sa Pambansang Batas 6972 - na 4 STAR DAY CARE na nagpapaunlad sa kakayahan ng mga bata. Ipinagkaloob ni Atty. Delfie Tobias, Sholim Regional Director DSWDO sa Muntinlupa City at Outstanding Day Care Worker sa isinagawang Assessment at Evaluation ng MSWDO Melogean S. Candelario at Pamahalaang Bayan ng Gloria noong 2007.
    Naging Miss Tourism 2004 si Catherine P. Vitto sa pagdiriwang ng pagkakatatag ng Gloria at Kawayanan Festival. Naparangalan din ang Nagkakaisang Kababaihan ni Gloria sa Gloria (NKGG) na outstanding barangay Chapter ang Agsalin sa pangunguna ni Gng. Araceli A. Lopez noong 2005
    Nakamit naman ng barangay ang 1st place sa Parol Making Contest, isang patimpalak ng Pamahalaang Bayan noong 2007 at 3rd place sa booth noong 2002, Kawayanan Festival. Iginawad ni Mayor Romeo D. Alvarez ang isang bufallo. Sa kasalukuyan ay may 2 na itong anak at pinakikinabangan sa kanilang lugar.
    Higit nilang ipinagmamalaki ang pagkilalang nakamit ng Fish Sanctuary mula sa Marine Protected Areas Support Network (MSN), Nov. 26, 2007 dahil dito nila nakikitang malaki ang maiiambag nitong pag-unlad sa kanilang pamayanan.                 Nagkakaisa ang mga opisyales at mamamayan ng Agsalin sa mahigpit na pagpapatupad ng batas sa pagbabawal na mangisda sa Marine Protected Area (MPA) upang mapangalagaan ang kayamanang taglay nito. Plano din ng pamahalaang barangay na idebelop ito bilang tourist spot na maipagmamalaki sa buong mundo. Ayon kay AT/CRM-Coordinator MAgO Lydia M. Cantos, na naging presentor sa MPA Congress, Villa Resort, Ilo-ilo City hindi imposible na makilala ang Agsalin Sanctuary dahil sa kayamanan at kagandahang taglay nito. Magiging patok ito sa mga turistang mahilig sa diving, snorkeling, pagrerelaks sa floating house at iba pang mga aktibidad sa dagat.
    Umaasa ang mga opisyales nito na ang mga plano/proyekto sa kanilang lugar ay patuloy na susuportahan ng pamahalaang bayan. Sa pangunguna ni kapitan Ricky T. Mabunga, sampu ng kaniyang mga konsehales na sina Jonathan Fajelagot, Gil Mingo, Timoteo Rey, Reynaldo Pelobello, Ernie Mesana, Edwin Mangaring at Merlinda Fampulme ay ipinaaabot nila ang kanilang pasasalamat sa punong ehekutibo sa mga ayudang ipinagkakaloob nito sa kanilang barangay. Hindi rin nila nalilimutan na pasalamatan si Gng. Lydia Cantos, sa mga pagpapagal nito sa ikauunlad ng Sanctuary at iba pang livelihood program ng kanilang pamayanan.
 
< Prev   Next >
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/6
dsc_0197.jpgdsc_0612.jpgdsc_0651.jpg 45th Founding Anniversary & the 6th Kawayanan Festival - 8 Araw na Ipinagdiwang ng Bayan ng Gloria

              

          Masaya, makulay at makasaysayan!  Ganito   mailalarawan ang walong araw na pagdiriwang ng bayan ng Gloria sa kanyang Ika – 45 Anibersaryo at ng 6th Kawayanan Festival.  Ito ang selebrasyon ng tinaguriang “Sapphire Year” ng bayan ng Gloria.

            Masaya, sapagkat lahat ng inihandang aktibidad ay paghanga, papauri, ngiti at palakpakan ang ibinabalik ng mga manonood at panauhin.  Makukulay na dekorasyon naman ang makikita sa bawat tanghalan gayundin ang props at costumes ng lahat ng nagtatanghal at kalahok sa mga inihandang kompetisyon na lalong nagpatingkad sa naturang selebrasyon.  Makasaysayan, sapagkat isa ang pagdiriwang na ito sa maituturing na pinaka-grande at hindi malilimutang selebrasyon ng anibersaryo ng bayang ito na may temang “Nagkakaisang Mamamayan Tungo sa Matatag na Kaunlaran.”

                     Sinimulan ang pagdiriwang noong October 1 na siyang pinaka-araw ng pagkakatatag ng Bayan ng Gloria sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Willy Villas, Kura-Paruko ng Sacred Heart Parish upang magpasalamat sa Diyos sa patuloy na pagpapala at pagkalinga sa bayan ng Gloria.  Dinaluhan ang banal na misa ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto Perez, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga opisyal ng barangay, DepEd Gloria District Family, mamamayan ng Gloria at mga panauhin.

            Pagkatapos ng Banal na Misa, isinunod ang Grand Parade ng mga kalahok sa Field Demo, Drums & Glockenspiel Exhibition at ng float sakay ang tinanghal na 1st Runner-Up, 2nd Runner-Up at Miss Gloria Sapphire kasama sina Mayor Romy Alvarez at Vice Mayor Loret Perez.

            Pinangunahan naman ni Public Schools District Supervisor Lauro L. de Belen ang pagsisimula ng Festival of Field Demonstration and Drums & Glockenspiel Exhibition. 

            Kompletong dalawangput-apat (24) na pampublikong mababang paaralan sa Gloria ang lumahok sa naturang kompetisyon.  Inisponsoran ito ng DepEd Gloria District Family na nagbigay ng temang “Sabay-sabay na Pagkilos at Paggalaw para sa Kaunlaran.

                     Nagpatalbugan sa iba’t-ibang estilo at kombinasyon ng galaw ang mga contingents na buong pagmamalaking sinuportahan ng kanilang mga trainors/coaches, guro, kapwa mag-aaral at higit sa lahat ang mga punong-guro ng bawat paaralan.

            Nagbigay sigla din sa Field Demo ang ginanap na Drums & Glockenspiel Exhibition na prenesenta ng mga paaralan ng Sacred Heart Academy, Gloria Central School at DJRMES gayundin ang Field Demo Exhibition ng mga estudyante ng CLJC Center for Excellence Development Academy at ng mga mag-aaral ng Mangyan mula sa Pakpak-Lawin Primary School sa pagtututro ni Lydia Calumpit. 

            Lima (5) ang pinili na may pinakamahusay na presentasyon sa field demo na kinabibilangan ng Dalagan Elementary School (4th Palce) – Php 3,000.00; Tinalunan Elem. School (3rd Place) – Php 5,000.00; Malamig Elem. School (2nd Place) – Php 8,000.00; Malusak Elem. School (1st Place) – Php 10,000.00 at ang tinanghal na kampeon ang Don Joaquin Roque Mem. Elem. School na tumanggap ng halagang Php 13,000.00.  Nakatanggap naman ng halagang Php 2,000.00 bilang consolation prize ang may partisipasyong paaralan.  Lahat sila ay pinagkalooban din ng plake bilang pasasalamat sa pakikiisa upang maging matagumpay ang nasabing paligsahan.

            Hapon naman ng October 1 nang simulan ang inabangan ng napakaraming manonood, ang“Indakan sa Kawayanan Street Dancing Competition.”  na sinalihan ng limang (5) secondary schools - ang Sacred Heart Academy, Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School, Malamig National High School, Bulbugan National High School at Manuel Adriano Mem. National High School.

                     Nag-umpisa ang street dancing ng mahigit 100 participants bawat paaralan sa kahabaan ng Poblacion simula sa Gloria Central School patungo sa itinalagang Festival Area.  Hinangaan ang sabay-sabay na indak, galaw at makapigil hiningang exhibition na lalong nagpahanga sa bawat manonood.

                              Nakapukaw din ng atensiyon ang magagara at makulay na props at costumes na kitang-kitang ginastusan ng bawat paaralan.

                     Pagdating sa Festival Area, ipinamalas muli ng mga kalahok ang galing sa pagsasayaw sa isinagawang in-place dancing na binigyan ng limitadong oras na anim na minuto bawat contingents. 

                     Ang paraan ng paggagrado ay ibinase sa performance na ipinakita sa street dancing (50%) at in-place dancing (50%). 

                              Pinasalamatan naman ni SB Member Edita Semilla, Committee Chairman on Street Dancing Competition ang lahat ng nakiisang paaralan, dahilan upang maging matagumpay ang programang ito.  “Lahat ng paaralan ay buong-husay na ipinakita ang kanilang galing sa pagsasayaw,” buong paghangang pahayag ng kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan.

                     Ipinagmalaki naman ni G. Chavit Zulueta, direktor ng halos lahat ng programa ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival na ang lahat ng mga hurado na inimbita sa street dancing ay konektado sa pagsusulong ng iba’t-ibang programang pang-turismo na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng ating lalawigan.

                     Kinilala rin ang hirap at sakripisyo ng mga trainors na nagsilbing utak sa malikhaing galaw ng bawat contingents sa pamamagitan ng paggagawad ng “Certificate of Appreciation” sa kanila. 

            Sa huli, tinanghal pa ring kampeon sa Street Dancing ngayong 2009 ang Sacred Heart Academy na matatandaang laging nag-uuwi ng pinakamataas na parangal sa Street Dancing nang nakalipas na mga taon.  Nakapag-uwi sila ng halagang Php 25,000.00 at plake.  Pumangalawa ang Malamig National High School (Php 20,000.00 + plake); pangatlo ang Pres. Diosdado Macapagal Memorial National High School (Php 15,000.00 + plake); pang-apat ang Manuel Adriano Memorial National High School (Php 10,000.00 + plake) at panglima ang Bulbugan National High School (Php 5,000.00 + plake).

            Ang Mataas na Paaralan din ng Sacred Heart Academy ang ginawaran ng parangal bilang may pinaka-artistic na props at costume.  Sinundan ito ng Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School at Malamig National High School.

           Kauna-unahan ding naganap sa kasaysayan ng Gloria at maging sa Silangang Mindoro ang pagbibigay ng “Best Music Award” likha ng ibat-ibang tunog gamit ang kawayan at iba pang instrumentong pang-musika.  Dito tinanghal na champion ang Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School sumunod ang Sacred Heart Academy at Malamig National High School.

            Gabi naman ng October 1, sa Municipal Gymnasium nang ipahayag ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez ang kanyang “State of the Bayan Address” o SOBA sa harap ng mamamayan ng Gloria at ilang panauhin mula sa iba’t-ibang sektor ng bayan.  Binuksan ito sa pamamagitan ng 2nd Special Session ng Sangguniang Bayan ng Gloria sa pangunguna ni Presiding Officer Vice Mayor Loreto S. Perez kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan.
Read more...
 
Editorial
SUMISIGLANG KALAKALAN SA BAYAN NG GLORIA            Sa pagbubukas ng tiangge day sa Pamilihang Bayan ng Gloria (Martes at Biyernes), unti-unting sumigla ang kalakalan sa bayang ito at ngayon ay nababanaag na ang  tuloy-tuloy na p... Read more...
Ordinances and Regulations
beach_resorts_in_gloria_032.jpg BEACH AT INLAND RESORTS MONITORING ISINAGAWA NG MENRO AT PENRO        Nagsagawa ng monitoring sa mga beach at inland resorts sa Gloria ang Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) katuwang  ang Provincial Environment and Natural Resources Office (... Read more...
 
Features
ms._gloria_sapphire_pix.jpg Miss Gloria Sapphire Maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang parte ng pagdiriwang ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival ang palulunsad ng Miss Gloria Sapphire para sa taong 2009.         &... Read more...
Message from the Mayor
dsc_0101.jpg State of the Bayan Address (SOBA) - Ni: Punong Bayan Romeo D. Alvarez         Mga kababayan, kalian lamang ay sinamahan niniyo akong mangarap ng pagbabago para sa ating bayan.  Isinigaw ko sa bawat sulok ng Gloria ang MAKABULUHANG PAGBABAGO.  At ngayon ay nalalapit na ako ... Read more...
 
Business
dsc_6580.jpg AGRI-TOURISM BOOTH FAIR             Simula pa lang noong September 25, namalas na ang naggagandahang kubo na gawa sa kawayan sa paglulunsad ng Agri-Tourism Booth Fair Competition na itinayo sa tinaguriang festiva... Read more...
Announcements
ORIENTAL MINDORO REALTY TAX PROMO HANGGANG MARCH 2009 NA LANG          "Buwis na inyong binabayaran, Sambayanang Mindoreño ang makikinabang." Ito ang kasalukuyang slogan ng Provincial Treasurer’s Office sa kanilang kampanya ukol sa pagbabayad ng... Read more...
     
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

We have 9 guests online

Visitor Counters

Visits today: 79
Visits yesterday: 74
Visits month: 1515
Visits total: 47990
Max.monthly visits: 3036
  occurred: 2010-1
Pages this month: 45593
Pages total: 1383195

Visitors by Country

Totals Top 25
 34 % Philippines
 16 % United States
 8 % United Kingdom
 5 % Germany
 5 % Russian Federation
 5 % Netherlands
 3 % China
 3 % Ukraine
 2 % Latvia
 2 % Israel
 < 1.0 % Saudi Arabia
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Taiwan
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Sweden
 < 1.0 % France
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Belize
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Luxembourg
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % Hong Kong