| PREDDYGARONG, ITINALAGANG MANGYAN PROJECT STAFF |
|
|
|
|
Magsisilbing Mangyan Project Staff si G. Preddy M. Garong sa mga katutubong Mangyan para sa mga proyekto at pangangailangang ilalapit sa Pamahalaang Bayan ng Gloria at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Pinagtibay ni Mayor Romeo D. Alvarez noong June 23, na maitalagang Mangyan Project Staff si Garong matapos ang one-on-one na pakikipag-usap dito ng punong ehekutibo. Nilinaw din ni Mayor Alvarez kay Garong ang mga tulong na ibibigay ng pamahalaang bayan, una na dito ang pagtuturo ng kalinisan upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang iba’t-ibang karamdaman. Kamakailan lamang ay nagpatibay ng pondo ang pamahalaang bayan ayon sa iminungkahi ng Local Finance Committee ng PhP 100,000.00. Pinagkasunduan ng mga lider Mangyan na iuukol ito sa pagbili ng kalabaw, kariton, patubig at balay-lakoy. Si Garong ang magiging tulay at makikipag-ugnayan sa mga ulong tanggapan sa pagpa-follow-up ng mga papeles upang agad itong nabibigyan ng atensiyon ng mga kainauukulan. Si Preddy ay dating nanirahan sa Pam-lipaya, Loyal, Victoria. Anak nina G. Ernesto Garong at Rosie Garong. Nagtapos ng Electronics Technology sa Filipino Academy of Scientific Trades (FAST). Si Garong ay matatagpuan sa Municipal Planning & Development Office, lunes hanggang biyernes sa ilalim ng pamamahala ng Punong Bayan. |
| < Prev | Next > |
|---|



BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA
Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.
BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA
Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa ...
Read more...
KABABAIHAN NAGSANAY SA PROGRAMA NG NLDC AT LCDC
Nagsanay ang mga kababaihan sa Gloria sa paggawa ng mabangong sabon, sabong panlaba at kandila sa ilalim ng programa ng National Livelihood Development Corporation(NLDC) at LOBO Community a...
Read more...
EXHIBITION GAME, MAAKSYON!
Nagbigay aliw sa mga manonood ang maaksiyong paglalaro ng basketball ng mga Sangguniang Bayan Members at Department Heads laban sa mga Punong Barangay ng Gloria sa isang exhi...
Read more...
ALAY LAKAD, ALAY TANIM
Alay Lakad, Alay Tanim: Pinangunahan nina Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto S. Perez at SB Members, sa pakikipagtulungan ng C CMO COY, CMO Bn (P) 2ID, PA CHARLIE COY, 4IB, 2ID, PA, PNP-Gloria, BFP, NGO’s, PO’s, mga Sanggu...
Read more...| Visits today: | 2 |
| Visits yesterday: | 61 |
| Visits month: | 295 |
| Visits total: | 14763 |
| Max.monthly visits: | 2140 |
| occurred: | 2008-8 |
| Pages this month: | 6208 |
| Pages total: | 279990 |
| Totals Top 25 | ||
![]() | 37 % | Philippines |
![]() | 20 % | United States |
![]() | 5 % | United Kingdom |
![]() | 4 % | Saudi Arabia |
![]() | 4 % | Germany |
![]() | 4 % | Latvia |
![]() | 3 % | Russian Federation |
![]() | 2 % | China |
![]() | 2 % | Netherlands |
![]() | 2 % | Ukraine |
![]() | 2 % | Sweden |
![]() | < 1.0 % | India |
![]() | < 1.0 % | Canada |
![]() | < 1.0 % | Panama |
![]() | < 1.0 % | Korea, Republic of |
![]() | < 1.0 % | France |
![]() | < 1.0 % | Unknown |
![]() | < 1.0 % | Brazil |
![]() | < 1.0 % | Italy |
![]() | < 1.0 % | Spain |
![]() | < 1.0 % | Singapore |
![]() | < 1.0 % | Thailand |
![]() | < 1.0 % | Japan |
![]() | < 1.0 % | United Arab Emirates |
![]() | < 1.0 % | Lithuania |