| BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA |
|
|
|
|
Kasabay ng pasinaya, binuksan na ang bagong pamilihang bayan ng Gloria, Setyember 4, 2008 na pinangunahan nina Gob. Arnan C. Panaligan, Congressman Alfonso Umali, Jr. at LBP Dept. Mgr. Marlon De Castro kasama sina Mayor Romeo D. Alvarez at Vice Mayor Loreto S. Perez.
Sinaksihan ito ng mga Bokal ng Lalawigan sa pangalawang distrito, mga Sangguniang Bayan Members, mga opisyales ng 27 barangay sa Gloria at mga kawani ng pamahalaang bayan.
Lumahok din sa motorcade mula brgy. Bulaklakan hanggang brgy. Banus ang mga stall holders, business sectors, mga trysikel drivers at iba’t-ibang samahan sa Gloria, Isinagawa naman ang misa pagkatapos ng nasabing motorcade sa bulwagan ng pamilihang bayan sa pamamagitan ni Bishop. Warlito Cajandig, D.D. at Father Rogelio Baluyot, Jr.
Nagpasalamat si Mayor Alvarez sa lahat ng dumalo sa nasabing okasyon. Inihandog din niya ang palengke sa mga mamamayan ng Gloria. Sinabi nitong “ Ito po ay hindi ko sariling proyekto, proyekto po natin ito. Proyekto po ito ng mamamayan ng Gloria.”. Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.
Tinatayang P 20,000,000.00 ang ginugol ng pamalaang bayan sa pagpapagawa ng bagong palengke na ipinahiram ng Land Bank of the Philippines sa pamamagitan ni Dept. Mgr. Marlon De Castro at karagdagagang P5,000,000.00 mula sa pamahalaang bayan.
Nakigalak din sina 2nd District Congressman Alfonso Umali,Jr., Provincial Administrator Atty. Adel Abas at Or. Mindoro PCL Pres. Robert Concepcion sa pagdaraos ng okasyon.
|
| < Prev | Next > |
|---|



BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA
Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.
BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA
Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa ...
Read more...
KABABAIHAN NAGSANAY SA PROGRAMA NG NLDC AT LCDC
Nagsanay ang mga kababaihan sa Gloria sa paggawa ng mabangong sabon, sabong panlaba at kandila sa ilalim ng programa ng National Livelihood Development Corporation(NLDC) at LOBO Community a...
Read more...
EXHIBITION GAME, MAAKSYON!
Nagbigay aliw sa mga manonood ang maaksiyong paglalaro ng basketball ng mga Sangguniang Bayan Members at Department Heads laban sa mga Punong Barangay ng Gloria sa isang exhi...
Read more...
ALAY LAKAD, ALAY TANIM
Alay Lakad, Alay Tanim: Pinangunahan nina Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto S. Perez at SB Members, sa pakikipagtulungan ng C CMO COY, CMO Bn (P) 2ID, PA CHARLIE COY, 4IB, 2ID, PA, PNP-Gloria, BFP, NGO’s, PO’s, mga Sanggu...
Read more...| Visits today: | 6 |
| Visits yesterday: | 61 |
| Visits month: | 299 |
| Visits total: | 14767 |
| Max.monthly visits: | 2140 |
| occurred: | 2008-8 |
| Pages this month: | 6292 |
| Pages total: | 280074 |
| Totals Top 25 | ||
![]() | 37 % | Philippines |
![]() | 20 % | United States |
![]() | 5 % | United Kingdom |
![]() | 4 % | Saudi Arabia |
![]() | 4 % | Germany |
![]() | 4 % | Latvia |
![]() | 3 % | Russian Federation |
![]() | 2 % | China |
![]() | 2 % | Netherlands |
![]() | 2 % | Ukraine |
![]() | 2 % | Sweden |
![]() | < 1.0 % | India |
![]() | < 1.0 % | Canada |
![]() | < 1.0 % | Panama |
![]() | < 1.0 % | Korea, Republic of |
![]() | < 1.0 % | France |
![]() | < 1.0 % | Unknown |
![]() | < 1.0 % | Brazil |
![]() | < 1.0 % | Italy |
![]() | < 1.0 % | Spain |
![]() | < 1.0 % | Singapore |
![]() | < 1.0 % | Thailand |
![]() | < 1.0 % | Japan |
![]() | < 1.0 % | United Arab Emirates |
![]() | < 1.0 % | Lithuania |