No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA PDF Print E-mail
kawit_1.jpg      Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa pinakamahalagang ginagampanan ng tubig.
          Ang barangay Kawit ay isa sa mga lugar na biniyayaan ng malinis at saganang tubig. Tinutugunan nito ang pagkauhaw ng mga bukirin, tulad ng palayan, gulayan at iba pang mga halaman kasama na ang puno na pinagmumulan ng ating pagkain, gayundin ang mga inaalagang hayop lalo na ang mga kalabaw, baka at kambing at iba pang mga hayop na pinagkakakitaan dito.  Ang pamayanang ding ito ang pinagkukunan ng tubig ng mga karatig barangay at bayan, tulad ng Pinamalayan at Socorro. Ang papulasyon nitong 1,956 at sambahayang 400 ay tuwirang nakikinabang sa biyayang dulot ng tubig.
           Dahil sa mga katangiang ito, nagpaplano ang konseho ng barangay  na magtayo ng isang sariling water supply na magbibigay serbisyo sa bayan ng Gloria at Pinamalayan.
           Sa kanilang pagtaya, ang mga tao ay hindi laging aasa sa potable water, deliver water o service water. Darating ang panahon na gugustuhin nila ang mas kombenyenting pagdaloy ng tubig sa kanila mismong mga tahanan. Ang masusing pag-aaral at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan ang isa sa una nilang magiging hakbang upang tagumpay itong maisagawa.Sa kasalukuyan, umaabot sa PhP 722,500.00 ang Internal Revenue Allotment o IRA ng barangay. Hindi ito sapat para tugunan ang mga proyektong nais nilang ipatupad sa kanilang lugar tulad ng pagpapasemento ng barangay road, pagpapaayos ng brgy. hall, drainage canal, palengke ng barangay at ang binabalak nilang brgy. mini-park.
              Ang pagpapailaw sa mga sitio ng barangay na hindi pa naaabot ng daloy na kureyente ang pinakapangunahin sa kanilang proyekto. Nagbigay naman ng ayuda ang pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo D. Alvarez ng PhP 170,000.00 para masimulan ang nasabing programa. 
           Nakilala ang brgy. Kawit sa Dupong Fresh Water Resort at Llave Breeding and Fingerlings naipinagmamalaki ng kanilang pamayanan.Aktibo rin ang KALIPI, BFARMC na proyekto ang fish processing, NKGG, Gintong Layunin ng mga Magulang (may 30 family members at nagpapautang ng PhP 1,000.00-5,000.00 na may interest na 1%) at private finance institutions na CARD at KAUSWAGAN. 
          Isa ang barangay Kawit sa pinagdausan ng pagpupulong quarterly para sa encatchment ng mga BHW’s at BNS maging kanilang  Christmas Party. Kamakailan ay naging host din ang kanilang lugar sa 15 araw na pagsasanay sa Alternative Learning Sytem sa Reflexology na inisponsoran ni dating Bise Gob. Thadeus Venturanza.Nagtagumpay din sa larangan ng palakasan ang Sitio Dupong Team na nagtsampiyon sa mga larong basketball, softball at volleyball sa mga nakalipas na founding anniversary ng ating bayan. Nanalo din si Bb. Catherine Saguid sa Singing Contest sa Kawayanan Festival at Bb. Judith Atienza (2006).               
          Ipinagmamalaki din ng barangay si Bb. Michelle Jamilla na pumangalawa sa Track and Field-Provincial Division at itinuturing nilang pinakamatagumpay si Bb. Gina Mampusti, na ngayon ay nakabase sa Japan at taon-taon nilang isponsor sa singing contest tuwing barangay fiesta.
         Hindi rin matatawaran ang kontribusyon ng Dupong at Zona Day Care Center sa pagpapakilala sa mga musmos ng kahalagahan ng edukasyon. Sa pangangasiwa ni Gng. Violeta V. Mutya, ang DCC-Dupong ay pumangatlo sa Draw and Tell Contest sa pagdiriwang ng Children’s Month Celebration Municipal Level. Nanguna naman ang DCC-Zona sa Field Demonstration (2007) at pumangalawa sa pagandahan ng float sa Kawayanan Festival noong Oktubre 1, 2007 sa pangunguna ni DCW Marilou M. Ondoy.
          Sa pagsusulong ng kaunlaran ng barangay Kawit, nagtutulong-tulong ang mga opisyales nito sa pangunguna ni Punong Barangay Luis J. Mampusti, mga konsehales na sina Rolly V. Magdalita, Remelyn S. Espiritu, Ernesto J. Larga, Prescilla J. Fatallar at Crisanto Saguid kasama ang Treasurer na si Gng. Alma P. Malabayabas at BHW Jenny Mocling. Inaasahan nilang makakamit ang katatagan ng kanilang pamayanan sa lahat ng aspetong pangkaunlaran sa tulong na rin ng mga mamamayan nito at pagsuporta ng pamahalaang bayan.   
 
Next >
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/2
pic_2.jpg BAGONG PAMILIHANG BAYAN SA GLORIA, BUKAS NA

                 
                Kasabay ng pasinaya, binuksan na ang bagong pamilihang bayan ng Gloria, Setyember 4, 2008 na pinangunahan nina Gob. Arnan C. Panaligan, Congressman Alfonso Umali, Jr. at LBP Dept. Mgr. Marlon De Castro kasama sina Mayor Romeo D. Alvarez at Vice Mayor Loreto S. Perez. 
           Sinaksihan ito ng mga Bokal ng Lalawigan sa pangalawang distrito, mga Sangguniang Bayan Members, mga opisyales ng 27 barangay sa Gloria at mga kawani ng pamahalaang bayan.                          
           Lumahok din sa motorcade mula brgy. Bulaklakan hanggang brgy. Banus  ang mga stall holders, business sectors, mga trysikel drivers at iba’t-ibang samahan sa Gloria,  Isinagawa naman ang misa pagkatapos ng nasabing motorcade sa bulwagan ng pamilihang bayan sa pamamagitan ni Bishop. Warlito Cajandig, D.D. at  Father Rogelio Baluyot, Jr.    
          Nagpasalamat si Mayor Alvarez sa lahat ng dumalo sa nasabing okasyon. Inihandog din niya ang palengke sa mga mamamayan ng Gloria. Sinabi nitong “ Ito po ay hindi ko sariling proyekto, proyekto po natin ito. Proyekto po ito ng mamamayan ng Gloria.”.

         Tinanggap din ni Mayor Alvarez ang mga pagbati ng mga panauhin at pagsuporta sa kaniyang administrasyon. Sa harap ng publiko ay nangako naman ng ayuda na nagkakahalaga ng PhP 5,000,000.00 si Gob. Panaligan para makumpleto ang kabuuan ng palengke na gagamitin sa paglalagay ng drainage at landscaping nito. Ito ay matapos niyang basahin ang ilang bahagi ng sulat ni Mayor Alvarez na humihiling ng tulong sa punong lalawigan. Labis namang ikinagalak ng mga opisyales ng pamahalaang bayan, mga kapitan ng barangay at mamamayan ng Gloria sa naging kasagutan ng gobernador sa sulat ng punong bayan.

      Tinatayang P 20,000,000.00 ang ginugol ng pamalaang bayan sa pagpapagawa ng bagong palengke na ipinahiram ng Land Bank of the Philippines sa pamamagitan ni Dept. Mgr. Marlon De Castro at karagdagagang P5,000,000.00 mula sa pamahalaang bayan.  Nagkaisa naman ang mga bokal sa pangalawang Distritro na sina Ernesto E. Liwanag, Ramil O. Dimapilis at Romeo Buenaventura sa pagsasabing malaking hakbang tungo sa pag-unlad ang ginawa ng punong bayan.
     Nakigalak din sina 2nd District Congressman Alfonso Umali,Jr.,  Provincial Administrator Atty. Adel Abas at Or. Mindoro PCL Pres. Robert Concepcion sa pagdaraos  ng okasyon.

Read more...
 
Editorial
SA MGA BISIG NG GLORIANO           Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-44 na taong anibersaryo nang pagkakatatag ng ating bayan sa Oktubre 1, ang tema nito ay nakasentro sa “Pagtataguyod ng mga Proyektong Pambayan, Pagsulon... Read more...
Ordinances and Regulations
PERMIT SA MGA OWNERS at HAULERS NG POTABLE WATER HILING NG RHU, MENRO GLORIA, Oriental Mindoro - Isang pagpupulong ang isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Rural Health Unit (RHU) kamakailan sa lahat ng owners at haulers ng potable water sa Sangguniang Bayan Session Hall. ... Read more...
 
Features
kawit_1.jpg BARANGAY KAWIT, BUKAL NG TUBIG SA BAYAN NG GLORIA       Ang tubig ay kailangan ng bawat himaymay ng ating katawan, ayon kay Dr. David K. Brennan, isang exercise physiologist sa Baylor College of Medicine sa Houston. Ang pagpapanatiling normal ng body temperature ay isa sa ... Read more...
Message from the Mayor
Mga Programa ng Pamahalaang Bayan, Tungo sa Kaunlaran              Halos masasabi kong nasa kaayusan na ang kalagayan ng ating bayan. Bagamat may mga kakulangan pa tayong nakikita, ito ay patuloy pa rin nating ginagawan nang paraan upang matugunan... Read more...
 
Business
untitled.jpg KABABAIHAN NAGSANAY SA PROGRAMA NG NLDC AT LCDC      Nagsanay ang mga kababaihan  sa Gloria  sa paggawa ng mabangong sabon, sabong panlaba at kandila sa ilalim ng programa ng National Livelihood   Development Corporation(NLDC) at LOBO Community a... Read more...
Sports
bak_1.jpg EXHIBITION GAME, MAAKSYON!             Nagbigay aliw sa mga manonood ang maaksiyong paglalaro ng basketball ng mga Sangguniang Bayan Members at Department Heads laban sa mga Punong Barangay ng Gloria sa isang exhi... Read more...
 
Events and Activities
alay_lakad.jpg ALAY LAKAD, ALAY TANIM Alay Lakad, Alay Tanim: Pinangunahan nina Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto S. Perez at SB Members, sa pakikipagtulungan ng C CMO COY, CMO Bn (P) 2ID, PA CHARLIE COY, 4IB, 2ID, PA, PNP-Gloria, BFP, NGO’s, PO’s, mga Sanggu... Read more...
News
PR-MEDIA POINT PERSONS, NAGSANAY SA BASIC NEWS WRITING           Makakalap ng tama at napapanahong balita. Ito ang layunin ng isinagawang one-day work shop on basic news writing sa Grin Pl8 Restaurant, Maligaya, Gloria, Setyembre 12, 2008.   &... Read more...
 
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

Visitor Counters

Visits today: 5
Visits yesterday: 61
Visits month: 298
Visits total: 14766
Max.monthly visits: 2140
  occurred: 2008-8
Pages this month: 6249
Pages total: 280031

Visitors by Country

Totals Top 25
 37 % Philippines
 20 % United States
 5 % United Kingdom
 4 % Saudi Arabia
 4 % Germany
 4 % Latvia
 3 % Russian Federation
 2 % China
 2 % Netherlands
 2 % Ukraine
 2 % Sweden
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Panama
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % France
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Singapore
 < 1.0 % Thailand
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % United Arab Emirates
 < 1.0 % Lithuania