No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
Gloria, Patuloy sa Pag-Unlad sa ika-44 na taong Pagkakatatag PDF Print E-mail
     Naging masaya ang mga Gloriano at mga panauhin sa 4 na araw na pagdiriwang ng ika-44 na taong pagkdsc_2022.jpgakatatag ng bayan ng Gloria, mula September 29 hanggang October 2.   
     Tema ng selebrasyon ay "Pagtataguyod ng mga Proyektong Pambayan, Pagsulong Tungo sa Kaunlaran," na tumutukoy sa pagtataguyod ng pamahalang bayan sa mga programang magsusulong sa ikauunlad ng bayan.     
     Kabilang sa mga proyektong ito ang Clean and Green Program, Scholarship Program, Jobs Fair, Pagsulong ng Turismo, Medical Mission, Pagtataguyod sa karapatang Pambata, Sports Development Program at Pagkilala sa institusyon, grupo o indibidwal na nagpakita ng natatanging dedikasyon sa pagtupad ng tungkulin at pakikiisa sa programa ng bayan.
     Ang mga aktibidad na nagbigay kulay sa paggunita sa mahalagang araw na ito ay ang mga sumusunod:
JOBS FAIR, BLOODLETTING ACTIVITY AND CULTURAL NIGHT
     Inilunsad ang Jobs Fair noong September 30 upang mailapit ang ilang kompanya sa mga mamamayan lalo’t higit sa mga Gloriano na naghahanap ng trabaho, lokal man o sa ibang bansa.
     Apat (4) na malalaking kompanya ang nakilahok sa programang ito tulad ng Yangwha Human Resource Corp., Goldenbelle Manpower Resource Corp., Active Works Incorporated at Taytay sa Kauswagan. Animnaput-isang (61) aplikante naman ang dumating upang maghanap ng trabaho.
     Kasabay nito ang bloodletting activity. Boluntaryong nag-donate ng dugo ang mga barangay officials, pulisya, militar,Alpha Pie Omega at tricycle drivers na labis na ikinagalak ni Vice Governor Ma. Estela Felipa M. Aceron, pangulo ng Oriental MindoroProvincial Blood Council at tagapag-taguyod ng programang "Dugo Ko, Buhay Mo" na naglalayong makalikom ng maraming dugo.
     Pinangasiwaan ito ni ABC Pres. Rimando M. Recalde na lubos na nagpasalamat sa pagtugon ng mga Gloriano sa panawagang maging blood donor.
     Ang Gabi ng Ganda at Galing ng Gloriano (4G) ay naipamalas sa pamamagitan ng isang cultural presentation na ginampanan ng mga mag-aaral sa elementary at high school na nagpapakita ng mga mahahalagang pangyayari at katangian ng Gloria. Pinamahalan ito ng Depertment of Education (Gloria District) at sa direksiyon ni Chavit B. Zulueta.
THANKSGIVING MASS,GRAND COMMUNITY PARADE, AWARDING CEREMONY, PALARO NG LAHI, VARIETY SHOW AT BARANGAY NIGHT
     Nagsimula sa isang banal na misa ang selebrasyon noong Oktubre 1, bilang pasasalamat sa Panginoon sa pagpapala niya sa bayan. Pinangunahan ito ni Rev.Fr. Rogelio Baluyot, Kura Paruko ng Gloria sa Municipal Gymnasium. Isinunod ang grand parade pagkatapos ng misa
    Pinarangalan naman sa awarding ceremony ang mga paaralan, barangay, punong barangay, empleyado, pulis at panaderya na naging modelo sa kalinisan at pagtupad sa tungkulin bilang public servant.
     Ang mga sumusunod ang napili ng evaluating team pagkatapos dumaan sa kanilang pagsusuri:
MODEL SCHOOL:
Elementary
Category A: Principal Category
1st Place: Don Joaquin Roque Mem. Elem. School           -         PhP 5,000.00 + Plaque
2nd Place: Tinalunan Elementary School                              -                  3,000.00 + Plaque
3rd Place: Gloria Central School                                             -                  2,000.00 + Plaque
4th Place: Malusak Elementary School                                 -                  1,000.00 + Plaque
5 th Place: Banus Elementary School                                    -                     500.00 + Plaque
Category B: Teacher-in-Charge Category
1st Place : Melecio D. Cantos Mem. Elem. School            -          PhP 5,000.00 + Plaque
2nd Place : Dalagan Elementary School                                -                   3,000.00 + Plaque
3rd Place : Langgang Elementary School                              -                   2,000.00 + Plaque
4th Place : Tambong Elementary School                               -                   1,000.00 + Plaque
5 th Place : Malubay Elementary School                               -                      500.00 + Plaque
High School
1st Place : Sacred Heart Academy                                        -           PhP 5,000.00 + Plaque
2nd Place: Pres. Diosdado Macapagal Mem. Nat'l High School      -      3,000.00 + Plaque
3rd Place : Malamig Naional High School                                           -       2,000.00 + Plaque
4th Place : Oriental Mindoro Institute                                                 -       1,000.00 + Plaque
MODEL BARANGAY:
1st Place :        Tambong                                                         -          PhP 10,000.00 + Plaque  
2nd Place :        Lucio Laurel                                                    -              5,000.00 + Plaque
3rd Place  :        Sta. Theresa                                                     -             3,000.00 + Plaque
4th Place :        Agos                                                                 -               1,500.00 + Plaque
5th Place :        M. Adriatico                                                     -               1,000.00 + Plaque
MOST OUTSTANDING PUNONG BARANGAY:
1st Place: Redentor R. Larga ( Malubay)                -          Php 50,000.00 worth of project  
2nd Place:Wilfredo S. Condesa (Lucio Laure)          -                  30,000.00 worth of project
3rd Place : Ruben T. Sadiwa (Agos)                          -                   20,000.00 worth of project  
+ PhP 10,000.00 worth of project for the remaining 24 barangays
MOST OUTSTANDING MUNICIPAL EMPLOYEE:  (Plaque)
Ma. Theresa T. Valera  -  Municipal Environment & Natural Resources Officer
MOST OUTSTANDING POLICE OFFICER:  (Plaque)
SPO1 Cresencio P. Adap 
CLEANEST BAKERY IN TOWN:
1st Place : Siony’s Bakery (Narra)                                  -            PhP 1,500.00 + Plaque
2nd Place: De Guzman Bakery (Main Branch)                  -                1,000.00 + Plaque
3rd Place : Malacas Bakery (Alma Villa)                            -                   700.00 + Plaque
4th Place : De Guzman Bakery (Maligaya Branch)          -                   500.00 + Plaque
5 th Place : Delight Bakery (Maligaya)                              -                   400.00 + Plaque
     Ang "Palaro ng Lahi" ay pinangasiwaan ni SKMF Pres. Jenny Joy Vikki P. Alvarez na nagtampok sa mga larong Pinoy para sa mga kabataan.
     Ang Barangay Night at Variety show ay dinaluhan ng 27 barangay, mga kawani ng pamahalaang bayan sa pangunguna ng mga opisyales ng bayan.
     Pinasaya ang gabi ng mga artistang sina Gwen Garci ng Viva Hotbabes, Baywalk Bodies, stand-up comedian Dragon Boys (mapapanood sa Eat Bulaga) at Spectrum Band.
MUNICIPAL CHILDREN’S MONTH CELEBRATION
      Nagpaligsahan sa Field Demo ang mga mag-aaral mula sa 28 Day Care Centers at 25 CBPS Schools sa huling araw ng selebrasyon noong October 2.
    Tinanghal na grand champion ang Sta. Maria Day Care Center (DCC Category) at Don Joaquin Roque Mem. Elementary School (CBPS Category) na tumanggap ng cash prize at plake ng pagkilala.
     Ang lahat ng mga aktibidad ay dinaluhan at sinuportahan ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez sampu ng Miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangnguna ni Vice Mayor Loreto S. Perez upang maging matagumpay ang pagdiriwang. 
 
< Prev   Next >
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/6
dsc_0197.jpgdsc_0612.jpgdsc_0651.jpg 45th Founding Anniversary & the 6th Kawayanan Festival - 8 Araw na Ipinagdiwang ng Bayan ng Gloria

              

          Masaya, makulay at makasaysayan!  Ganito   mailalarawan ang walong araw na pagdiriwang ng bayan ng Gloria sa kanyang Ika – 45 Anibersaryo at ng 6th Kawayanan Festival.  Ito ang selebrasyon ng tinaguriang “Sapphire Year” ng bayan ng Gloria.

            Masaya, sapagkat lahat ng inihandang aktibidad ay paghanga, papauri, ngiti at palakpakan ang ibinabalik ng mga manonood at panauhin.  Makukulay na dekorasyon naman ang makikita sa bawat tanghalan gayundin ang props at costumes ng lahat ng nagtatanghal at kalahok sa mga inihandang kompetisyon na lalong nagpatingkad sa naturang selebrasyon.  Makasaysayan, sapagkat isa ang pagdiriwang na ito sa maituturing na pinaka-grande at hindi malilimutang selebrasyon ng anibersaryo ng bayang ito na may temang “Nagkakaisang Mamamayan Tungo sa Matatag na Kaunlaran.”

                     Sinimulan ang pagdiriwang noong October 1 na siyang pinaka-araw ng pagkakatatag ng Bayan ng Gloria sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Willy Villas, Kura-Paruko ng Sacred Heart Parish upang magpasalamat sa Diyos sa patuloy na pagpapala at pagkalinga sa bayan ng Gloria.  Dinaluhan ang banal na misa ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto Perez, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga opisyal ng barangay, DepEd Gloria District Family, mamamayan ng Gloria at mga panauhin.

            Pagkatapos ng Banal na Misa, isinunod ang Grand Parade ng mga kalahok sa Field Demo, Drums & Glockenspiel Exhibition at ng float sakay ang tinanghal na 1st Runner-Up, 2nd Runner-Up at Miss Gloria Sapphire kasama sina Mayor Romy Alvarez at Vice Mayor Loret Perez.

            Pinangunahan naman ni Public Schools District Supervisor Lauro L. de Belen ang pagsisimula ng Festival of Field Demonstration and Drums & Glockenspiel Exhibition. 

            Kompletong dalawangput-apat (24) na pampublikong mababang paaralan sa Gloria ang lumahok sa naturang kompetisyon.  Inisponsoran ito ng DepEd Gloria District Family na nagbigay ng temang “Sabay-sabay na Pagkilos at Paggalaw para sa Kaunlaran.

                     Nagpatalbugan sa iba’t-ibang estilo at kombinasyon ng galaw ang mga contingents na buong pagmamalaking sinuportahan ng kanilang mga trainors/coaches, guro, kapwa mag-aaral at higit sa lahat ang mga punong-guro ng bawat paaralan.

            Nagbigay sigla din sa Field Demo ang ginanap na Drums & Glockenspiel Exhibition na prenesenta ng mga paaralan ng Sacred Heart Academy, Gloria Central School at DJRMES gayundin ang Field Demo Exhibition ng mga estudyante ng CLJC Center for Excellence Development Academy at ng mga mag-aaral ng Mangyan mula sa Pakpak-Lawin Primary School sa pagtututro ni Lydia Calumpit. 

            Lima (5) ang pinili na may pinakamahusay na presentasyon sa field demo na kinabibilangan ng Dalagan Elementary School (4th Palce) – Php 3,000.00; Tinalunan Elem. School (3rd Place) – Php 5,000.00; Malamig Elem. School (2nd Place) – Php 8,000.00; Malusak Elem. School (1st Place) – Php 10,000.00 at ang tinanghal na kampeon ang Don Joaquin Roque Mem. Elem. School na tumanggap ng halagang Php 13,000.00.  Nakatanggap naman ng halagang Php 2,000.00 bilang consolation prize ang may partisipasyong paaralan.  Lahat sila ay pinagkalooban din ng plake bilang pasasalamat sa pakikiisa upang maging matagumpay ang nasabing paligsahan.

            Hapon naman ng October 1 nang simulan ang inabangan ng napakaraming manonood, ang“Indakan sa Kawayanan Street Dancing Competition.”  na sinalihan ng limang (5) secondary schools - ang Sacred Heart Academy, Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School, Malamig National High School, Bulbugan National High School at Manuel Adriano Mem. National High School.

                     Nag-umpisa ang street dancing ng mahigit 100 participants bawat paaralan sa kahabaan ng Poblacion simula sa Gloria Central School patungo sa itinalagang Festival Area.  Hinangaan ang sabay-sabay na indak, galaw at makapigil hiningang exhibition na lalong nagpahanga sa bawat manonood.

                              Nakapukaw din ng atensiyon ang magagara at makulay na props at costumes na kitang-kitang ginastusan ng bawat paaralan.

                     Pagdating sa Festival Area, ipinamalas muli ng mga kalahok ang galing sa pagsasayaw sa isinagawang in-place dancing na binigyan ng limitadong oras na anim na minuto bawat contingents. 

                     Ang paraan ng paggagrado ay ibinase sa performance na ipinakita sa street dancing (50%) at in-place dancing (50%). 

                              Pinasalamatan naman ni SB Member Edita Semilla, Committee Chairman on Street Dancing Competition ang lahat ng nakiisang paaralan, dahilan upang maging matagumpay ang programang ito.  “Lahat ng paaralan ay buong-husay na ipinakita ang kanilang galing sa pagsasayaw,” buong paghangang pahayag ng kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan.

                     Ipinagmalaki naman ni G. Chavit Zulueta, direktor ng halos lahat ng programa ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival na ang lahat ng mga hurado na inimbita sa street dancing ay konektado sa pagsusulong ng iba’t-ibang programang pang-turismo na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng ating lalawigan.

                     Kinilala rin ang hirap at sakripisyo ng mga trainors na nagsilbing utak sa malikhaing galaw ng bawat contingents sa pamamagitan ng paggagawad ng “Certificate of Appreciation” sa kanila. 

            Sa huli, tinanghal pa ring kampeon sa Street Dancing ngayong 2009 ang Sacred Heart Academy na matatandaang laging nag-uuwi ng pinakamataas na parangal sa Street Dancing nang nakalipas na mga taon.  Nakapag-uwi sila ng halagang Php 25,000.00 at plake.  Pumangalawa ang Malamig National High School (Php 20,000.00 + plake); pangatlo ang Pres. Diosdado Macapagal Memorial National High School (Php 15,000.00 + plake); pang-apat ang Manuel Adriano Memorial National High School (Php 10,000.00 + plake) at panglima ang Bulbugan National High School (Php 5,000.00 + plake).

            Ang Mataas na Paaralan din ng Sacred Heart Academy ang ginawaran ng parangal bilang may pinaka-artistic na props at costume.  Sinundan ito ng Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School at Malamig National High School.

           Kauna-unahan ding naganap sa kasaysayan ng Gloria at maging sa Silangang Mindoro ang pagbibigay ng “Best Music Award” likha ng ibat-ibang tunog gamit ang kawayan at iba pang instrumentong pang-musika.  Dito tinanghal na champion ang Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School sumunod ang Sacred Heart Academy at Malamig National High School.

            Gabi naman ng October 1, sa Municipal Gymnasium nang ipahayag ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez ang kanyang “State of the Bayan Address” o SOBA sa harap ng mamamayan ng Gloria at ilang panauhin mula sa iba’t-ibang sektor ng bayan.  Binuksan ito sa pamamagitan ng 2nd Special Session ng Sangguniang Bayan ng Gloria sa pangunguna ni Presiding Officer Vice Mayor Loreto S. Perez kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan.
Read more...
 
Editorial
SUMISIGLANG KALAKALAN SA BAYAN NG GLORIA            Sa pagbubukas ng tiangge day sa Pamilihang Bayan ng Gloria (Martes at Biyernes), unti-unting sumigla ang kalakalan sa bayang ito at ngayon ay nababanaag na ang  tuloy-tuloy na p... Read more...
Ordinances and Regulations
beach_resorts_in_gloria_032.jpg BEACH AT INLAND RESORTS MONITORING ISINAGAWA NG MENRO AT PENRO        Nagsagawa ng monitoring sa mga beach at inland resorts sa Gloria ang Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) katuwang  ang Provincial Environment and Natural Resources Office (... Read more...
 
Features
ms._gloria_sapphire_pix.jpg Miss Gloria Sapphire Maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang parte ng pagdiriwang ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival ang palulunsad ng Miss Gloria Sapphire para sa taong 2009.         &... Read more...
Message from the Mayor
dsc_0101.jpg State of the Bayan Address (SOBA) - Ni: Punong Bayan Romeo D. Alvarez         Mga kababayan, kalian lamang ay sinamahan niniyo akong mangarap ng pagbabago para sa ating bayan.  Isinigaw ko sa bawat sulok ng Gloria ang MAKABULUHANG PAGBABAGO.  At ngayon ay nalalapit na ako ... Read more...
 
Business
dsc_6580.jpg AGRI-TOURISM BOOTH FAIR             Simula pa lang noong September 25, namalas na ang naggagandahang kubo na gawa sa kawayan sa paglulunsad ng Agri-Tourism Booth Fair Competition na itinayo sa tinaguriang festiva... Read more...
Announcements
ORIENTAL MINDORO REALTY TAX PROMO HANGGANG MARCH 2009 NA LANG          "Buwis na inyong binabayaran, Sambayanang Mindoreño ang makikinabang." Ito ang kasalukuyang slogan ng Provincial Treasurer’s Office sa kanilang kampanya ukol sa pagbabayad ng... Read more...
     
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

We have 2 guests online

Visitor Counters

Visits today: 79
Visits yesterday: 74
Visits month: 1515
Visits total: 47990
Max.monthly visits: 3036
  occurred: 2010-1
Pages this month: 45585
Pages total: 1383187

Visitors by Country

Totals Top 25
 34 % Philippines
 16 % United States
 8 % United Kingdom
 5 % Germany
 5 % Russian Federation
 5 % Netherlands
 3 % China
 3 % Ukraine
 2 % Latvia
 2 % Israel
 < 1.0 % Saudi Arabia
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Taiwan
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Sweden
 < 1.0 % France
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Belize
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Luxembourg
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % Hong Kong