No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
Agsalin Floating House Isang Hakbang sa Pag-unlad ng Turismo sa Gloria PDF Print E-mail

picture_057.jpg     "Malaki ang ating kakayanan para paunlarin ang turismo sa ating bayan, lalong-lalo na ang Brgy. Agsalin", ito ang binitiwang pahayag ni ABC Pres. at Municipal Tourism President Rimando M. Recalde sa pagpapasinaya ng floating house sa Brgy. Agsalin.

     Kaugnay ito sa pagkilalang nakamit ng Agsalin Fish Sanctuary na isa sa pangsiyam na natatanging sanktuwaryo sa buong Pilipinas ng Marine Protected Areas Support Network (MSN). Ang floating house ay isang paraan para maipakilala sa mga tao ang kahalagahan ng pangagalaga sa mga yamang dagat dahil tao din ang nakikinabang dito.

    Ayon pa kay Recalde, sa huling assessment na isinagawa sa sanktuaryo mula sa 80 species na naninirahan dito, mayroon na itong 111 species sa kasalukuyan at inaasahang patuloy itong darami sa mga darating pang panahon kung mananatiling mapapangalagaan ang lugar na ito.

     Ilang patakaran ang paiiralin ng Barangay Council sa pangunguna ni Punong Barangay Ricky T. Mabunga para maprotektahan ang saktuwaryo at mga yamang dagat. Bago sumakay ng floating house, bawal ang pagdadala ng mga inuming nakakalasing, mga pagkain para maiwasan ang pagkakalat/pagtatapon ng basura sa gitna ng dagat, hindi rin pinapayagan ang pangangawil at iba pang mga patakarang katulad nito.

     Sinabi din ni Ricalde na mahalagang maging pangunahin ang kalinisan sa loob at labas ng Brgy. Agsalin. Mahihikayat nito ang maraming turista para dumayo at mamamasyal sa kanilang lugar.

    Nagpasalamat naman si Punong Barangay Ricky T. Mabunga sa pagbibigay ng ganitong proyekto sa kanilang barangay. Aniya, "mapalad ang aming barangay dahil isa ito sa napagkalooban ng nasabing proyekto na lalong makapagsusulong ng turismo sa aming lugar." Makakatulong ito para maiangat din ang kalagayan ng aming pamayanan, dagdag pa ni Kapitan Mabunga .

     Ang proyektong ito ay nagkaroon ng katuparan sa pagpupursige ni Gng. Lydia Cantos-Fishery Coordinator sa Tanggapan ng Municipal Agriculture Office (MAgO) at pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan at SB ng Agsalin.

     Kasabay ding ipinagkaloob ang isang patrol boat ni Gob. Arnan C. Panaligan sa pamamagitan ng PAgO upang magamit sa pangangalaga ng sanktuwaryo at floating house.

     Naging panauhin sa nasabing okasyon sina Vice Mayor Loreto S. Perez, MBO Rudy Dapito, SB Members Norma R. Paz at Edita Semilla.

     Si Fishery Officer Marilyn Alcañices naman ang kumatawan sa PAgO bilang pangunahing panauhin.

 
< Prev   Next >
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/6
dsc_0197.jpgdsc_0612.jpgdsc_0651.jpg 45th Founding Anniversary & the 6th Kawayanan Festival - 8 Araw na Ipinagdiwang ng Bayan ng Gloria

              

          Masaya, makulay at makasaysayan!  Ganito   mailalarawan ang walong araw na pagdiriwang ng bayan ng Gloria sa kanyang Ika – 45 Anibersaryo at ng 6th Kawayanan Festival.  Ito ang selebrasyon ng tinaguriang “Sapphire Year” ng bayan ng Gloria.

            Masaya, sapagkat lahat ng inihandang aktibidad ay paghanga, papauri, ngiti at palakpakan ang ibinabalik ng mga manonood at panauhin.  Makukulay na dekorasyon naman ang makikita sa bawat tanghalan gayundin ang props at costumes ng lahat ng nagtatanghal at kalahok sa mga inihandang kompetisyon na lalong nagpatingkad sa naturang selebrasyon.  Makasaysayan, sapagkat isa ang pagdiriwang na ito sa maituturing na pinaka-grande at hindi malilimutang selebrasyon ng anibersaryo ng bayang ito na may temang “Nagkakaisang Mamamayan Tungo sa Matatag na Kaunlaran.”

                     Sinimulan ang pagdiriwang noong October 1 na siyang pinaka-araw ng pagkakatatag ng Bayan ng Gloria sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Willy Villas, Kura-Paruko ng Sacred Heart Parish upang magpasalamat sa Diyos sa patuloy na pagpapala at pagkalinga sa bayan ng Gloria.  Dinaluhan ang banal na misa ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto Perez, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga opisyal ng barangay, DepEd Gloria District Family, mamamayan ng Gloria at mga panauhin.

            Pagkatapos ng Banal na Misa, isinunod ang Grand Parade ng mga kalahok sa Field Demo, Drums & Glockenspiel Exhibition at ng float sakay ang tinanghal na 1st Runner-Up, 2nd Runner-Up at Miss Gloria Sapphire kasama sina Mayor Romy Alvarez at Vice Mayor Loret Perez.

            Pinangunahan naman ni Public Schools District Supervisor Lauro L. de Belen ang pagsisimula ng Festival of Field Demonstration and Drums & Glockenspiel Exhibition. 

            Kompletong dalawangput-apat (24) na pampublikong mababang paaralan sa Gloria ang lumahok sa naturang kompetisyon.  Inisponsoran ito ng DepEd Gloria District Family na nagbigay ng temang “Sabay-sabay na Pagkilos at Paggalaw para sa Kaunlaran.

                     Nagpatalbugan sa iba’t-ibang estilo at kombinasyon ng galaw ang mga contingents na buong pagmamalaking sinuportahan ng kanilang mga trainors/coaches, guro, kapwa mag-aaral at higit sa lahat ang mga punong-guro ng bawat paaralan.

            Nagbigay sigla din sa Field Demo ang ginanap na Drums & Glockenspiel Exhibition na prenesenta ng mga paaralan ng Sacred Heart Academy, Gloria Central School at DJRMES gayundin ang Field Demo Exhibition ng mga estudyante ng CLJC Center for Excellence Development Academy at ng mga mag-aaral ng Mangyan mula sa Pakpak-Lawin Primary School sa pagtututro ni Lydia Calumpit. 

            Lima (5) ang pinili na may pinakamahusay na presentasyon sa field demo na kinabibilangan ng Dalagan Elementary School (4th Palce) – Php 3,000.00; Tinalunan Elem. School (3rd Place) – Php 5,000.00; Malamig Elem. School (2nd Place) – Php 8,000.00; Malusak Elem. School (1st Place) – Php 10,000.00 at ang tinanghal na kampeon ang Don Joaquin Roque Mem. Elem. School na tumanggap ng halagang Php 13,000.00.  Nakatanggap naman ng halagang Php 2,000.00 bilang consolation prize ang may partisipasyong paaralan.  Lahat sila ay pinagkalooban din ng plake bilang pasasalamat sa pakikiisa upang maging matagumpay ang nasabing paligsahan.

            Hapon naman ng October 1 nang simulan ang inabangan ng napakaraming manonood, ang“Indakan sa Kawayanan Street Dancing Competition.”  na sinalihan ng limang (5) secondary schools - ang Sacred Heart Academy, Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School, Malamig National High School, Bulbugan National High School at Manuel Adriano Mem. National High School.

                     Nag-umpisa ang street dancing ng mahigit 100 participants bawat paaralan sa kahabaan ng Poblacion simula sa Gloria Central School patungo sa itinalagang Festival Area.  Hinangaan ang sabay-sabay na indak, galaw at makapigil hiningang exhibition na lalong nagpahanga sa bawat manonood.

                              Nakapukaw din ng atensiyon ang magagara at makulay na props at costumes na kitang-kitang ginastusan ng bawat paaralan.

                     Pagdating sa Festival Area, ipinamalas muli ng mga kalahok ang galing sa pagsasayaw sa isinagawang in-place dancing na binigyan ng limitadong oras na anim na minuto bawat contingents. 

                     Ang paraan ng paggagrado ay ibinase sa performance na ipinakita sa street dancing (50%) at in-place dancing (50%). 

                              Pinasalamatan naman ni SB Member Edita Semilla, Committee Chairman on Street Dancing Competition ang lahat ng nakiisang paaralan, dahilan upang maging matagumpay ang programang ito.  “Lahat ng paaralan ay buong-husay na ipinakita ang kanilang galing sa pagsasayaw,” buong paghangang pahayag ng kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan.

                     Ipinagmalaki naman ni G. Chavit Zulueta, direktor ng halos lahat ng programa ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival na ang lahat ng mga hurado na inimbita sa street dancing ay konektado sa pagsusulong ng iba’t-ibang programang pang-turismo na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng ating lalawigan.

                     Kinilala rin ang hirap at sakripisyo ng mga trainors na nagsilbing utak sa malikhaing galaw ng bawat contingents sa pamamagitan ng paggagawad ng “Certificate of Appreciation” sa kanila. 

            Sa huli, tinanghal pa ring kampeon sa Street Dancing ngayong 2009 ang Sacred Heart Academy na matatandaang laging nag-uuwi ng pinakamataas na parangal sa Street Dancing nang nakalipas na mga taon.  Nakapag-uwi sila ng halagang Php 25,000.00 at plake.  Pumangalawa ang Malamig National High School (Php 20,000.00 + plake); pangatlo ang Pres. Diosdado Macapagal Memorial National High School (Php 15,000.00 + plake); pang-apat ang Manuel Adriano Memorial National High School (Php 10,000.00 + plake) at panglima ang Bulbugan National High School (Php 5,000.00 + plake).

            Ang Mataas na Paaralan din ng Sacred Heart Academy ang ginawaran ng parangal bilang may pinaka-artistic na props at costume.  Sinundan ito ng Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School at Malamig National High School.

           Kauna-unahan ding naganap sa kasaysayan ng Gloria at maging sa Silangang Mindoro ang pagbibigay ng “Best Music Award” likha ng ibat-ibang tunog gamit ang kawayan at iba pang instrumentong pang-musika.  Dito tinanghal na champion ang Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School sumunod ang Sacred Heart Academy at Malamig National High School.

            Gabi naman ng October 1, sa Municipal Gymnasium nang ipahayag ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez ang kanyang “State of the Bayan Address” o SOBA sa harap ng mamamayan ng Gloria at ilang panauhin mula sa iba’t-ibang sektor ng bayan.  Binuksan ito sa pamamagitan ng 2nd Special Session ng Sangguniang Bayan ng Gloria sa pangunguna ni Presiding Officer Vice Mayor Loreto S. Perez kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan.
Read more...
 
Editorial
SUMISIGLANG KALAKALAN SA BAYAN NG GLORIA            Sa pagbubukas ng tiangge day sa Pamilihang Bayan ng Gloria (Martes at Biyernes), unti-unting sumigla ang kalakalan sa bayang ito at ngayon ay nababanaag na ang  tuloy-tuloy na p... Read more...
Ordinances and Regulations
beach_resorts_in_gloria_032.jpg BEACH AT INLAND RESORTS MONITORING ISINAGAWA NG MENRO AT PENRO        Nagsagawa ng monitoring sa mga beach at inland resorts sa Gloria ang Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) katuwang  ang Provincial Environment and Natural Resources Office (... Read more...
 
Features
ms._gloria_sapphire_pix.jpg Miss Gloria Sapphire Maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang parte ng pagdiriwang ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival ang palulunsad ng Miss Gloria Sapphire para sa taong 2009.         &... Read more...
Message from the Mayor
dsc_0101.jpg State of the Bayan Address (SOBA) - Ni: Punong Bayan Romeo D. Alvarez         Mga kababayan, kalian lamang ay sinamahan niniyo akong mangarap ng pagbabago para sa ating bayan.  Isinigaw ko sa bawat sulok ng Gloria ang MAKABULUHANG PAGBABAGO.  At ngayon ay nalalapit na ako ... Read more...
 
Business
dsc_6580.jpg AGRI-TOURISM BOOTH FAIR             Simula pa lang noong September 25, namalas na ang naggagandahang kubo na gawa sa kawayan sa paglulunsad ng Agri-Tourism Booth Fair Competition na itinayo sa tinaguriang festiva... Read more...
Announcements
ORIENTAL MINDORO REALTY TAX PROMO HANGGANG MARCH 2009 NA LANG          "Buwis na inyong binabayaran, Sambayanang Mindoreño ang makikinabang." Ito ang kasalukuyang slogan ng Provincial Treasurer’s Office sa kanilang kampanya ukol sa pagbabayad ng... Read more...
     
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

We have 19 guests online

Visitor Counters

Visits today: 26
Visits yesterday: 108
Visits month: 1288
Visits total: 47763
Max.monthly visits: 3036
  occurred: 2010-1
Pages this month: 37722
Pages total: 1375324

Visitors by Country

Totals Top 25
 34 % Philippines
 16 % United States
 8 % United Kingdom
 5 % Germany
 5 % Russian Federation
 5 % Netherlands
 3 % China
 3 % Ukraine
 2 % Latvia
 2 % Israel
 < 1.0 % Saudi Arabia
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Taiwan
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Sweden
 < 1.0 % France
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Belize
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Luxembourg
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % Hong Kong