| PAGHARAP SA PANDAIGDIGANG KRISIS |
|
|
|
|
Sa panahong ito masusubok ang pagkakaisa, pagtutulungan, pang-unawa at pagtitiyaga ng bawat isa. Sa halip na magsisihan at magsagawa ng marahas na hakbang, pairalin natin sa pagkakataong ito ang paninindigan na siyang magiging sandata natin upang igupo ang hirap na ating nararanasan. Isang mabigat na hamon para sa inyong lingkod sa tawag ng panunungkulan ang protektahan kayo aking mga kababayan kung di man tuluyang maiiwas sa hagupit ng krisis. Sinisiguro ko sa inyo na matatag ang ating bayan sa pagharap sa pagsubok na ito. Marami ang nawawalan ng trabaho sanhi ng pagsasara ng maraming kompanya subalit sa ating bayan ay nadadagdagan pa ang nagtatayo ng mga establisyementong pang-komersyo tulad ng pawnshop, appliance center, dry goods store, grocery store at hardware. Patunay lamang ito na nagtitiwala ang mga mamumuhunan sa ating bayan na lalago ang negosyo nila dito. Pinipilit natin na maging masigla ang takbo ng kalakalan sa ating Pamilihang Bayan na nagbukas ng hanapbuhay sa marami nating kababayan. Malaking tulong ito upang kumita nang malusutan natin ang unos ng krisis. Tuwang-tuwa ang inyong lingkod tuwing araw ng tiangge sapagkat alam ko na malaking tulong ang naiaambag nito upang mapanatili ang kasiglahan ng ating palengke. Parang walang krisis na nararanasan kapag nakikita ko ang dagsang magtitinda at mamimili tuwing tiangge na mula pa sa mga karatig bayan. Ang pandaigdigang krisis ay isang pagsubok sa atin na dapat nating harapin nang buong tatag at tapang. Sabi nga, kapag walang pagsubok ay walang challenge ang buhay at hindi tayo matututo. Huwag nating tingnan sa negatibong aspeto ang krisis manapay ang leksyon na itinuturo nito sa atin upang sa susunod na maranasan natin ito ay maluwag at handa natin itong haharapin. Nasa ating mga kamay ang paraan upang makaiwas sa masamang dulot nito, sipag at tiyaga lang ang kailangan. KAYA NATIN ITO GLORIANO!
|
| < Prev | Next > |
|---|





45th Founding Anniversary & the 6th Kawayanan Festival - 8 Araw na Ipinagdiwang ng Bayan ng Gloria
Masaya, makulay at makasaysayan! Ganito mailalarawan ang walong araw na pagdiriwang ng bayan ng Gloria sa kanyang Ika – 45 Anibersaryo at ng 6th Kawayanan Festival. Ito ang selebrasyon ng tinaguriang “Sapphire Year” ng bayan ng Gloria.
Masaya, sapagkat lahat ng inihandang aktibidad ay paghanga, papauri, ngiti at palakpakan ang ibinabalik ng mga manonood at panauhin. Makukulay na dekorasyon naman ang makikita sa bawat tanghalan gayundin ang props at costumes ng lahat ng nagtatanghal at kalahok sa mga inihandang kompetisyon na lalong nagpatingkad sa naturang selebrasyon. Makasaysayan, sapagkat isa ang pagdiriwang na ito sa maituturing na pinaka-grande at hindi malilimutang selebrasyon ng anibersaryo ng bayang ito na may temang “Nagkakaisang Mamamayan Tungo sa Matatag na Kaunlaran.”
Sinimulan ang pagdiriwang noong October 1 na siyang pinaka-araw ng pagkakatatag ng Bayan ng Gloria sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Willy Villas, Kura-Paruko ng Sacred Heart Parish upang magpasalamat sa Diyos sa patuloy na pagpapala at pagkalinga sa bayan ng Gloria. Dinaluhan ang banal na misa ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto Perez, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga opisyal ng barangay, DepEd Gloria District Family, mamamayan ng Gloria at mga panauhin.
Pagkatapos ng Banal na Misa, isinunod ang Grand Parade ng mga kalahok sa Field Demo, Drums & Glockenspiel Exhibition at ng float sakay ang tinanghal na 1st Runner-Up, 2nd Runner-Up at Miss Gloria Sapphire kasama sina Mayor Romy Alvarez at Vice Mayor Loret Perez.
Pinangunahan naman ni Public Schools District Supervisor Lauro L. de Belen ang pagsisimula ng Festival of Field Demonstration and Drums & Glockenspiel Exhibition.
Kompletong dalawangput-apat (24) na pampublikong mababang paaralan sa Gloria ang lumahok sa naturang kompetisyon. Inisponsoran ito ng DepEd Gloria District Family na nagbigay ng temang “Sabay-sabay na Pagkilos at Paggalaw para sa Kaunlaran.
Nagpatalbugan sa iba’t-ibang estilo at kombinasyon ng galaw ang mga contingents na buong pagmamalaking sinuportahan ng kanilang mga trainors/coaches, guro, kapwa mag-aaral at higit sa lahat ang mga punong-guro ng bawat paaralan.
Nagbigay sigla din sa Field Demo ang ginanap na Drums & Glockenspiel Exhibition na prenesenta ng mga paaralan ng Sacred Heart Academy, Gloria Central School at DJRMES gayundin ang Field Demo Exhibition ng mga estudyante ng CLJC Center for Excellence Development Academy at ng mga mag-aaral ng Mangyan mula sa Pakpak-Lawin Primary School sa pagtututro ni Lydia Calumpit.
Hapon naman ng October 1 nang simulan ang inabangan ng napakaraming manonood, ang“Indakan sa Kawayanan Street Dancing Competition.” na sinalihan ng limang (5) secondary schools - ang
Nag-umpisa ang street dancing ng mahigit 100 participants bawat paaralan sa kahabaan ng Poblacion simula sa
Nakapukaw din ng atensiyon ang magagara at makulay na props at costumes na kitang-kitang ginastusan ng bawat paaralan.
Pagdating sa Festival Area, ipinamalas muli ng mga kalahok ang galing sa pagsasayaw sa isinagawang in-place dancing na binigyan ng limitadong oras na anim na minuto bawat contingents.
Ang paraan ng paggagrado ay ibinase sa performance na ipinakita
Pinasalamatan naman ni SB Member Edita Semilla, Committee Chairman on Street Dancing Competition ang lahat ng nakiisang paaralan, dahilan upang maging matagumpay ang programang ito. “Lahat ng paaralan ay buong-husay na ipinakita ang kanilang galing sa pagsasayaw,” buong paghangang pahayag ng kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ipinagmalaki naman ni G. Chavit Zulueta, direktor ng halos lahat ng programa ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival na ang lahat ng mga hurado na inimbita sa street dancing ay konektado sa pagsusulong ng iba’t-ibang programang pang-turismo na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng ating lalawigan.
Kinilala rin ang hirap at sakripisyo ng mga trainors na nagsilbing utak sa malikhaing galaw ng bawat contingents sa pamamagitan ng paggagawad ng “Certificate of Appreciation” sa kanila.
Sa huli, tinanghal pa ring kampeon sa Street Dancing ngayong 2009 ang Sacred Heart Academy na matatandaang laging nag-uuwi ng pinakamataas na parangal sa Street Dancing nang nakalipas na mga taon. Nakapag-uwi sila ng halagang Php 25,000.00 at plake. Pumangalawa ang
Ang Mataas na Paaralan din ng
Kauna-unahan ding naganap sa kasaysayan ng Gloria at maging sa Silangang Mindoro ang pagbibigay ng “Best Music Award” likha ng ibat-ibang tunog gamit ang kawayan at iba pang instrumentong pang-musika. Dito tinanghal na champion ang Pres. Diosdado Macapagal Mem.
BEACH AT INLAND RESORTS MONITORING ISINAGAWA NG MENRO AT PENRO
Nagsagawa ng monitoring sa mga beach at inland resorts sa Gloria ang Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) katuwang ang Provincial Environment and Natural Resources Office (...
Read more...
Miss Gloria Sapphire
Maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang parte ng pagdiriwang ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival ang palulunsad ng Miss Gloria Sapphire para sa taong 2009.
&...
Read more...
State of the Bayan Address (SOBA) - Ni: Punong Bayan Romeo D. Alvarez
Mga kababayan, kalian lamang ay sinamahan niniyo akong mangarap ng pagbabago para sa ating bayan. Isinigaw ko sa bawat sulok ng Gloria ang MAKABULUHANG PAGBABAGO. At ngayon ay nalalapit na ako ...
Read more...
AGRI-TOURISM BOOTH FAIR
Simula pa lang noong September 25, namalas na ang naggagandahang kubo na gawa sa kawayan sa paglulunsad ng Agri-Tourism Booth Fair Competition na itinayo sa tinaguriang festiva...
Read more...
ALL – STAR BASKETBALL EXHIBITION GAME
Sa simula pa lang ng mahigit isang linggong pagdiriwang ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival ng bayan ng Gloria, binigyang kasiyahan aga...
Read more...| Visits today: | 10 |
| Visits yesterday: | 74 |
| Visits month: | 1446 |
| Visits total: | 47921 |
| Max.monthly visits: | 3036 |
| occurred: | 2010-1 |
| Pages this month: | 44319 |
| Pages total: | 1381921 |
| Totals Top 25 | ||
![]() | 34 % | Philippines |
![]() | 16 % | United States |
![]() | 8 % | United Kingdom |
![]() | 5 % | Germany |
![]() | 5 % | Russian Federation |
![]() | 5 % | Netherlands |
![]() | 3 % | China |
![]() | 3 % | Ukraine |
![]() | 2 % | Latvia |
![]() | 2 % | Israel |
![]() | < 1.0 % | Saudi Arabia |
![]() | < 1.0 % | Unknown |
![]() | < 1.0 % | Taiwan |
![]() | < 1.0 % | Canada |
![]() | < 1.0 % | Sweden |
![]() | < 1.0 % | France |
![]() | < 1.0 % | India |
![]() | < 1.0 % | Korea, Republic of |
![]() | < 1.0 % | Brazil |
![]() | < 1.0 % | Belize |
![]() | < 1.0 % | Italy |
![]() | < 1.0 % | Luxembourg |
![]() | < 1.0 % | Spain |
![]() | < 1.0 % | Japan |
![]() | < 1.0 % | Hong Kong |