No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
Opisyal ng Idineklara: MARTES AT BIYERNES ARAW NG TIANGGE SA PAMILIHANG BAYAN NG GLORIA, MAMILI NA! PDF Print E-mail

               tiangge_005.jpg                                                                                                                                 

Opisyal ng idineklara ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez ang araw ng Martes at Biyernes bilang Tiangge Day sa Pamilihang Bayan ng Gloria.  Bunsod ito sa kagustuhan ng punong ehekutibo upang mas lalo pang gumanda at mabuhay ang takbo ng kalakalan sa bagong palengke. 

            Nauna dito, dalawang beses na masinsinang pinulong ni Mayor Alvarez ang ­­mahigit 160 opisyal at miyembro ng Fruit and Vegetable Growers sa Gloria noong December 24, 2008 at January 13, 2009 upang balangkasin ang mga hakbang sa implementasyon ng araw ng tiangge at siguruhing sapat ang produkto lalo na sa unang araw ng operasyon nito.

            Sumuporta ang mga Punong Barangay na silang nakakaalam ng mga may patanimang gulay at prutas sa kanilang lugar gayundin ang pangulo ng Fruit  and Vegetable Growers na si G. Tony Malbog sa panukalang ito ng punong bayan para sa kapakinabangan  ng mga Gloriano.  Sila ang nagsilbing tulay ng Pamahalaang Bayan sa pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka ng gulay at prutas maging ang pagkalat ng impormasyon upang mabilis na makarating sa bawat mamamayan ng Gloria ang pagsisismula ng tiangge.

Napagkasunduan sa pagpupulong na walang ilalabas na produkto mula sa bayan sa unang araw ng tiangge.  “Nakikiusap ako na subukan natin ang ating bagong palengke sapagkat walang ibang mas tatangkilik dito kundi tayong mga Gloriano at tayo rin ang higit na makikinabang dito,”pahayag ng ama ng bayan. Ipinakiusap din niya na tamang presyo lang ang pairalin upang patuloy na tangkilikin ng mamimili ang palengke.  Dumalo rin sa pagpupulong ang mamamakyaw at biyahero ng gulay at prutas na handang makipagtulungan sa magandang adhikain ng Pamahalaang Bayan.   

            Nagkaroon din ng pag-eere sa himpilan ng Radyo Natin Pinamalayan para sa advertisement ng tiangge sa Gloria upang maipaabot ang impormasyon sa iba’t-ibang bayan ng Silangang Mindoro.  Nagpakalat din ng mga flyers sa iba’t-ibang lugar na nagsilbing paanyaya upang dayuhin ang tiangge gayundin ang bagong palengke.

            Sinimulan ang unang araw ng tiangge noong January 20 na binigyan ng titulong “ Super Tiangge sa Gloria.”  Positibo itong  tinugon ng magtitinda, mamamakyaw at mamimili mula sa Gloria at karatig bayan tulad ng Pinamalayan, Bansud, Socorro, Bulalacao, Bungabong, Roxas, San Teodoro, Naujan, Victoria, Calapan City at San Jose, Occidental Mindoro na idinadayo ang kanilang produktong tuyo sa bayan.

            Ipinagkatiwala sa Pambayang Tanggapan ng Agrikultura sa pamumuno ni MAO Roman dela Cruz ang pamamahala tuwing tiangge upang siguruhin na maayos at natututukan ang pagpapatakbo nito.    

Ngayong buwan ng Abril, apat na buwan na ang  magumpay na operasyon ng tiangge at ayon sa pinagkakatiwalaang tanggapan dito, masasabing stable na ang  lagay nito. 

            Kusa ring nagbibigay ng mga papuri ang mga magtitinda at mamamakyaw sa maayos at komportableng lugar na pinagtatayuan ng tiangge lalo’t higit sa mababait na katiwala dito na mabilis na tumutugon sa kanilang pangangailangan.  Malaking menos din anila ang nagagawa ng maluwang na espasyo ng tiangge sapagkat maluwag na naipapasok nila ang kanilang dalang sasakyan sa ganitong paraan hindi na nila kailangan pang bumayad ng estebador upang buhatin ang kanilang kalakal.  Dagdag pa nila, dumarating silang nakaayos na ang lahat, may tolda na panangga sa ulan at sikat ng araw at nakalatag na ang papag na paglalagyan nila ng produkto.  “Mas malaki ang kinikita ko sa pagti-tiangge sa palengke ng Gloria kesa sa ibang bayan, matapat na pahayag ni Gng. Emma Rosales - isang magtitinda buhat sa bayan ng Pinamalayan.

Ilan lamang ang mga patunay na ito na nagsisilbing inspirasyon sa administrasyon ni Mayor Alvarez upang patuloy pang paunlarin ang pamilihang bayan.

            Bilang pasasalamat ng pamahalaang lokal sa pagsuporta ng Fruit and Vegetable Growers sa  tiangge, nagpanukala ang Municipal Agriculture Office na mgakaroon ng seed subsidy na agad namang inaprubahan ng punong bayan.  Makakautang ng butong panamin ang magsasaka ng gulay na walang interest at babayaran kapag naani na ang pananim.  Katuwang ng pamahalaang bayan ang Regional Office ng Dapartment of Agriculture sa pagsasakatuparan ng proyektong ito.  Malaking tulong ito upang hindi na mangutang ng puhunan sa patubuan upang gastusin sa  sakahan ng gulay na madalas nangyayari ayon sa mga vegetable growers.  Masisiguro rin na lalo pang magiging sagana ang supply ng gulay sa palengke.  Makipag-ugnayan lang sa Municipal Agriculture Offfice tungkol dito.  

 “Isa ito sa legacy na nais kong iwanan sa pagtatapos ng aking termino ngayong 2010,” pahayag ng punong bayan..  

 
< Prev   Next >
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/6
dsc_0197.jpgdsc_0612.jpgdsc_0651.jpg 45th Founding Anniversary & the 6th Kawayanan Festival - 8 Araw na Ipinagdiwang ng Bayan ng Gloria

              

          Masaya, makulay at makasaysayan!  Ganito   mailalarawan ang walong araw na pagdiriwang ng bayan ng Gloria sa kanyang Ika – 45 Anibersaryo at ng 6th Kawayanan Festival.  Ito ang selebrasyon ng tinaguriang “Sapphire Year” ng bayan ng Gloria.

            Masaya, sapagkat lahat ng inihandang aktibidad ay paghanga, papauri, ngiti at palakpakan ang ibinabalik ng mga manonood at panauhin.  Makukulay na dekorasyon naman ang makikita sa bawat tanghalan gayundin ang props at costumes ng lahat ng nagtatanghal at kalahok sa mga inihandang kompetisyon na lalong nagpatingkad sa naturang selebrasyon.  Makasaysayan, sapagkat isa ang pagdiriwang na ito sa maituturing na pinaka-grande at hindi malilimutang selebrasyon ng anibersaryo ng bayang ito na may temang “Nagkakaisang Mamamayan Tungo sa Matatag na Kaunlaran.”

                     Sinimulan ang pagdiriwang noong October 1 na siyang pinaka-araw ng pagkakatatag ng Bayan ng Gloria sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Willy Villas, Kura-Paruko ng Sacred Heart Parish upang magpasalamat sa Diyos sa patuloy na pagpapala at pagkalinga sa bayan ng Gloria.  Dinaluhan ang banal na misa ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto Perez, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga opisyal ng barangay, DepEd Gloria District Family, mamamayan ng Gloria at mga panauhin.

            Pagkatapos ng Banal na Misa, isinunod ang Grand Parade ng mga kalahok sa Field Demo, Drums & Glockenspiel Exhibition at ng float sakay ang tinanghal na 1st Runner-Up, 2nd Runner-Up at Miss Gloria Sapphire kasama sina Mayor Romy Alvarez at Vice Mayor Loret Perez.

            Pinangunahan naman ni Public Schools District Supervisor Lauro L. de Belen ang pagsisimula ng Festival of Field Demonstration and Drums & Glockenspiel Exhibition. 

            Kompletong dalawangput-apat (24) na pampublikong mababang paaralan sa Gloria ang lumahok sa naturang kompetisyon.  Inisponsoran ito ng DepEd Gloria District Family na nagbigay ng temang “Sabay-sabay na Pagkilos at Paggalaw para sa Kaunlaran.

                     Nagpatalbugan sa iba’t-ibang estilo at kombinasyon ng galaw ang mga contingents na buong pagmamalaking sinuportahan ng kanilang mga trainors/coaches, guro, kapwa mag-aaral at higit sa lahat ang mga punong-guro ng bawat paaralan.

            Nagbigay sigla din sa Field Demo ang ginanap na Drums & Glockenspiel Exhibition na prenesenta ng mga paaralan ng Sacred Heart Academy, Gloria Central School at DJRMES gayundin ang Field Demo Exhibition ng mga estudyante ng CLJC Center for Excellence Development Academy at ng mga mag-aaral ng Mangyan mula sa Pakpak-Lawin Primary School sa pagtututro ni Lydia Calumpit. 

            Lima (5) ang pinili na may pinakamahusay na presentasyon sa field demo na kinabibilangan ng Dalagan Elementary School (4th Palce) – Php 3,000.00; Tinalunan Elem. School (3rd Place) – Php 5,000.00; Malamig Elem. School (2nd Place) – Php 8,000.00; Malusak Elem. School (1st Place) – Php 10,000.00 at ang tinanghal na kampeon ang Don Joaquin Roque Mem. Elem. School na tumanggap ng halagang Php 13,000.00.  Nakatanggap naman ng halagang Php 2,000.00 bilang consolation prize ang may partisipasyong paaralan.  Lahat sila ay pinagkalooban din ng plake bilang pasasalamat sa pakikiisa upang maging matagumpay ang nasabing paligsahan.

            Hapon naman ng October 1 nang simulan ang inabangan ng napakaraming manonood, ang“Indakan sa Kawayanan Street Dancing Competition.”  na sinalihan ng limang (5) secondary schools - ang Sacred Heart Academy, Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School, Malamig National High School, Bulbugan National High School at Manuel Adriano Mem. National High School.

                     Nag-umpisa ang street dancing ng mahigit 100 participants bawat paaralan sa kahabaan ng Poblacion simula sa Gloria Central School patungo sa itinalagang Festival Area.  Hinangaan ang sabay-sabay na indak, galaw at makapigil hiningang exhibition na lalong nagpahanga sa bawat manonood.

                              Nakapukaw din ng atensiyon ang magagara at makulay na props at costumes na kitang-kitang ginastusan ng bawat paaralan.

                     Pagdating sa Festival Area, ipinamalas muli ng mga kalahok ang galing sa pagsasayaw sa isinagawang in-place dancing na binigyan ng limitadong oras na anim na minuto bawat contingents. 

                     Ang paraan ng paggagrado ay ibinase sa performance na ipinakita sa street dancing (50%) at in-place dancing (50%). 

                              Pinasalamatan naman ni SB Member Edita Semilla, Committee Chairman on Street Dancing Competition ang lahat ng nakiisang paaralan, dahilan upang maging matagumpay ang programang ito.  “Lahat ng paaralan ay buong-husay na ipinakita ang kanilang galing sa pagsasayaw,” buong paghangang pahayag ng kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan.

                     Ipinagmalaki naman ni G. Chavit Zulueta, direktor ng halos lahat ng programa ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival na ang lahat ng mga hurado na inimbita sa street dancing ay konektado sa pagsusulong ng iba’t-ibang programang pang-turismo na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng ating lalawigan.

                     Kinilala rin ang hirap at sakripisyo ng mga trainors na nagsilbing utak sa malikhaing galaw ng bawat contingents sa pamamagitan ng paggagawad ng “Certificate of Appreciation” sa kanila. 

            Sa huli, tinanghal pa ring kampeon sa Street Dancing ngayong 2009 ang Sacred Heart Academy na matatandaang laging nag-uuwi ng pinakamataas na parangal sa Street Dancing nang nakalipas na mga taon.  Nakapag-uwi sila ng halagang Php 25,000.00 at plake.  Pumangalawa ang Malamig National High School (Php 20,000.00 + plake); pangatlo ang Pres. Diosdado Macapagal Memorial National High School (Php 15,000.00 + plake); pang-apat ang Manuel Adriano Memorial National High School (Php 10,000.00 + plake) at panglima ang Bulbugan National High School (Php 5,000.00 + plake).

            Ang Mataas na Paaralan din ng Sacred Heart Academy ang ginawaran ng parangal bilang may pinaka-artistic na props at costume.  Sinundan ito ng Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School at Malamig National High School.

           Kauna-unahan ding naganap sa kasaysayan ng Gloria at maging sa Silangang Mindoro ang pagbibigay ng “Best Music Award” likha ng ibat-ibang tunog gamit ang kawayan at iba pang instrumentong pang-musika.  Dito tinanghal na champion ang Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School sumunod ang Sacred Heart Academy at Malamig National High School.

            Gabi naman ng October 1, sa Municipal Gymnasium nang ipahayag ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez ang kanyang “State of the Bayan Address” o SOBA sa harap ng mamamayan ng Gloria at ilang panauhin mula sa iba’t-ibang sektor ng bayan.  Binuksan ito sa pamamagitan ng 2nd Special Session ng Sangguniang Bayan ng Gloria sa pangunguna ni Presiding Officer Vice Mayor Loreto S. Perez kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan.
Read more...
 
Editorial
SUMISIGLANG KALAKALAN SA BAYAN NG GLORIA            Sa pagbubukas ng tiangge day sa Pamilihang Bayan ng Gloria (Martes at Biyernes), unti-unting sumigla ang kalakalan sa bayang ito at ngayon ay nababanaag na ang  tuloy-tuloy na p... Read more...
Ordinances and Regulations
beach_resorts_in_gloria_032.jpg BEACH AT INLAND RESORTS MONITORING ISINAGAWA NG MENRO AT PENRO        Nagsagawa ng monitoring sa mga beach at inland resorts sa Gloria ang Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) katuwang  ang Provincial Environment and Natural Resources Office (... Read more...
 
Features
ms._gloria_sapphire_pix.jpg Miss Gloria Sapphire Maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang parte ng pagdiriwang ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival ang palulunsad ng Miss Gloria Sapphire para sa taong 2009.         &... Read more...
Message from the Mayor
dsc_0101.jpg State of the Bayan Address (SOBA) - Ni: Punong Bayan Romeo D. Alvarez         Mga kababayan, kalian lamang ay sinamahan niniyo akong mangarap ng pagbabago para sa ating bayan.  Isinigaw ko sa bawat sulok ng Gloria ang MAKABULUHANG PAGBABAGO.  At ngayon ay nalalapit na ako ... Read more...
 
Business
dsc_6580.jpg AGRI-TOURISM BOOTH FAIR             Simula pa lang noong September 25, namalas na ang naggagandahang kubo na gawa sa kawayan sa paglulunsad ng Agri-Tourism Booth Fair Competition na itinayo sa tinaguriang festiva... Read more...
Announcements
ORIENTAL MINDORO REALTY TAX PROMO HANGGANG MARCH 2009 NA LANG          "Buwis na inyong binabayaran, Sambayanang Mindoreño ang makikinabang." Ito ang kasalukuyang slogan ng Provincial Treasurer’s Office sa kanilang kampanya ukol sa pagbabayad ng... Read more...
     
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

We have 2 guests online

Visitor Counters

Visits today: 10
Visits yesterday: 74
Visits month: 1446
Visits total: 47921
Max.monthly visits: 3036
  occurred: 2010-1
Pages this month: 44310
Pages total: 1381912

Visitors by Country

Totals Top 25
 34 % Philippines
 16 % United States
 8 % United Kingdom
 5 % Germany
 5 % Russian Federation
 5 % Netherlands
 3 % China
 3 % Ukraine
 2 % Latvia
 2 % Israel
 < 1.0 % Saudi Arabia
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Taiwan
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Sweden
 < 1.0 % France
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Belize
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Luxembourg
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % Hong Kong