No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
Karangalan ng Bayan: Manlalaro ng Gloria, Namayagpag sa Provincial at MIMAROPA Meet PDF Print E-mail
          Namayagpag ang mga manlalaro ng Gloria sa katatapos na Provincial at MIMAROPA Meet.  Pinatunayan nila na ang mga Gloriano ay hindi patatalo pagdating sa larangan ng palakasan.               
          Nakapasok ang 37 Glorianong atleta mula sa elementarya at 30 sa sekondarya matapos mapili sa nakaraang Unit Meet kung saan pumangalawa ang bayang ito sa kabuuan ng palaro.  Kasama nilang nagdala sa koponan ng Unit II ang napiling manlalaro mula sa bayan ng Pinamalayan, Pola, Socorro at Victoria.
               
          Ginanap ang Provincial Meet noong Ika – 7 hanggang 10 ng Enero sa Pinamalayan Pilot School, Pinamalayan Silangang Mindoro.
                 
          Nagtunggali sa iba’t-ibang klase ng laro ang tatlong Unit na bumubuo sa Silangang Mindoro, ang Unit I (mula Puerto Galera hanggang Naujan), Unit II (Victoria hanggang Gloria) at Unit III (Bansud hanggang Bulalacao) upang mapili ang mahuhusay na manlalaro  na kakatawan sa lalawigan sa gaganaping MIMAROPA Meet.
               
          Sa huli, tinanghal na over-all champion ang delegasyon ng Unit II sa parehong dibisyon ng elementarya at sekondarya.
                 
          Ipinagmamalaking prenesenta nina District Supervisor Lauro de Belen at Gloria PESS Coordinator Patricio Espiritu ang tropeyo ng karangalang nakamit kay Mayor Romeo D. Alvarez sa flag raising ceremony ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan na labis na ikinagalak ng punong ehekutibo.   
           Samantala, hindi rin nagpahuli ang mga atleta ng Gloria sa ginanap na MIMAROPA Meet simula February 22 hanggang 27 sa Odiongan, Romblon.                
          Tatlongput-dalawang (32) Gorianong manlalaro naman ang nakapasok sa palarong ito mula elementarya at sekondarya. 
Pumangatlo ang lalawigan ng Mindoro sa pagtatapos ng palaro katungggali ang lalawigan ng Marindoque, Romblon, Palawan, Occidental Mindoro, Calapan City, at Puerto Princesa.                  
          Naging coaches ng mga manlalaro sina G. Patricio Espiritu bilang Head Training Supervisor, Arnold Vitto (Basketball), Rommel Jabal at Paciano Sapungan (Volleyball), Gemina Arriola (Gymnastics), Tirso Jabal at Homer Sapunagn (Taekwondo), Jony Sapungan (Baseball), Jimbo Ferranco (Boxing Offficial) at Jhon Malacas (Softball Official).
               
          Hindi man nila nakuha ang kampeonato, tinanghal naman silang grand slam winner pagdating sa mga minor awards tulad ng Most Disciplined Delegation, Best in Parade at Cleanest Delegation.     
                  
          Nagbigay karangalan para sa bayan ang mga manlalaro ng Gloria na sina: 
 
Elementary Level:                                          Provincial Meet                                   MIMAROPA Meet

Johnuel Medina (Brgy. Maligaya)     -    Champion Basketball         -         Gold Medalist Basketball
Ronnel Seño (Brgy. Malubay)                 -    Champion Basketball              -         Gold Medalist Basketball
Charlene Enmil (Brgy. Banutan)              -    Champion Softball                   -   
     Gold Medalist Softball
Jessie Dan Llave (Brgy. Kawit)               -    Champion Baseball                        Gold Medalist Baseball
Mavinar dela Peña (Brgy. Kawit)             -    Champion Baseball                 -         Gold Medalist Baseball

Kim Ivan Mutya (Brgy. Kawit)                 -    Champion Baseball                 -         Gold Medalist Baseball

Shara Mae Navarro (Brgy. Balete)           -    Champion Tennis                    -         Bronze Medalist (single event)
                                                                                                               
-          Silver Medalist (team event)
Evangeline Mameng (Brgy. L. Laurel)        -    Champion Athletics                  -          Bronze Medalist Athletics      
Fredalyn Lingon (Brgy. Balete)                 -    Champion Taekwondo             -          4th Place Taekwondo

Arnel Manipol (Brgy. Malubay)                -     2nd Place Volleyball               -          Bronze Medalist Volleyball
Robert John Castillo (Brgy. Malamig)        -     2nd Place Volleyball               -          Bronze Medalist Voleyball

Jenlou Faigmani (Brgy. Sta. Theresa)  -    2nd Place Volleyball            -        
Bronze Medalist Voleyball
Secondary Level:

Bryle Dexter Manahan (Brgy. Tambong)      -     Champion Taekwondo     -      Gold Medalist Taekwondo

Adam Mutya (Brgy. Kawit)                          -     Champion Baseball          -       Silver Medalist Baseball

Jelly Jane Lastica (Brgy. Malamig)                       -     Champion Athletics              -        Bronze Medalist Athletics 
Jimson Frias (Brgy. Kawit)                                  -     Champion Baseball              -        Silver Medalist Baseball
Anthony Almirante (Brgy. Balete)                          -     Champion Boxing                -        Bronze Medalist Boxing

Joseph Arriola (Brgy. Maligaya)                            -     Champion Football               -        4th Place Football
Jeferson Abelgas (Brgy. Maligaya)                        -     Champion Gymnastics         -        Bronze Medalist Gymnastics     
Jonathan Martinez (Brgy. Sta Theresa)                   -     Champion Gymnastics          -        Bronze Medalist Gymnastics
Mark Brandon Onte (Brgy. Maligaya)                     -     Champion Sepak Takraw      -        4th Place Sepak Takraw
Regine dela Peña (Brgy. Kawit)                             -     Champion Softball                -        Silver Medalist Softball
Rey Andro Licot (Brgy. Maligaya)                          -     Champion Taekwondo           -        4th Place Taekwondo
Zaira Acosta (Brgy. Balete)                                    -     Champion Taekwondo           -        Bronze Medalist Taekwondo
Zaide Acosta (Brgy. Balete)                                   -     Champion Taekwondo           -        4th Place Taekwondo
Bryan Laurel (Brgy. Sta. Theresa)                          -     Champion Volleyball              -        Bronze Medalist Volleyball 

          Napili naman para sumabak sa Palarong Pambansa ang mga atleta ng Gloria na sina Mavinar dela Peña, Kim Ivan Mutya, Jessie Dan Llave, Johnuel Medina at Charlene Enmil para sa dibisyon ng elementarya at Bryle Dexter Manahan at Adam Mutya sa sekondarya.  Ang Palarong Pambansa ay gaganapin sa darating na April 26 hanggang May 2 sa Tacloban City.  
        
          “Nawa’y ang mga kabataan na ito na magrerepresenta sa ating bayan, lalawigan at rehiyon ay magsilbing inspirasyon para sa susunod pang kabataang Gloriano," pagtatapos ni G. Espiritu sa panayam ng Gloria Ngayon.  
 
 
 
< Prev   Next >
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/6
dsc_0197.jpgdsc_0612.jpgdsc_0651.jpg 45th Founding Anniversary & the 6th Kawayanan Festival - 8 Araw na Ipinagdiwang ng Bayan ng Gloria

              

          Masaya, makulay at makasaysayan!  Ganito   mailalarawan ang walong araw na pagdiriwang ng bayan ng Gloria sa kanyang Ika – 45 Anibersaryo at ng 6th Kawayanan Festival.  Ito ang selebrasyon ng tinaguriang “Sapphire Year” ng bayan ng Gloria.

            Masaya, sapagkat lahat ng inihandang aktibidad ay paghanga, papauri, ngiti at palakpakan ang ibinabalik ng mga manonood at panauhin.  Makukulay na dekorasyon naman ang makikita sa bawat tanghalan gayundin ang props at costumes ng lahat ng nagtatanghal at kalahok sa mga inihandang kompetisyon na lalong nagpatingkad sa naturang selebrasyon.  Makasaysayan, sapagkat isa ang pagdiriwang na ito sa maituturing na pinaka-grande at hindi malilimutang selebrasyon ng anibersaryo ng bayang ito na may temang “Nagkakaisang Mamamayan Tungo sa Matatag na Kaunlaran.”

                     Sinimulan ang pagdiriwang noong October 1 na siyang pinaka-araw ng pagkakatatag ng Bayan ng Gloria sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Willy Villas, Kura-Paruko ng Sacred Heart Parish upang magpasalamat sa Diyos sa patuloy na pagpapala at pagkalinga sa bayan ng Gloria.  Dinaluhan ang banal na misa ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto Perez, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga opisyal ng barangay, DepEd Gloria District Family, mamamayan ng Gloria at mga panauhin.

            Pagkatapos ng Banal na Misa, isinunod ang Grand Parade ng mga kalahok sa Field Demo, Drums & Glockenspiel Exhibition at ng float sakay ang tinanghal na 1st Runner-Up, 2nd Runner-Up at Miss Gloria Sapphire kasama sina Mayor Romy Alvarez at Vice Mayor Loret Perez.

            Pinangunahan naman ni Public Schools District Supervisor Lauro L. de Belen ang pagsisimula ng Festival of Field Demonstration and Drums & Glockenspiel Exhibition. 

            Kompletong dalawangput-apat (24) na pampublikong mababang paaralan sa Gloria ang lumahok sa naturang kompetisyon.  Inisponsoran ito ng DepEd Gloria District Family na nagbigay ng temang “Sabay-sabay na Pagkilos at Paggalaw para sa Kaunlaran.

                     Nagpatalbugan sa iba’t-ibang estilo at kombinasyon ng galaw ang mga contingents na buong pagmamalaking sinuportahan ng kanilang mga trainors/coaches, guro, kapwa mag-aaral at higit sa lahat ang mga punong-guro ng bawat paaralan.

            Nagbigay sigla din sa Field Demo ang ginanap na Drums & Glockenspiel Exhibition na prenesenta ng mga paaralan ng Sacred Heart Academy, Gloria Central School at DJRMES gayundin ang Field Demo Exhibition ng mga estudyante ng CLJC Center for Excellence Development Academy at ng mga mag-aaral ng Mangyan mula sa Pakpak-Lawin Primary School sa pagtututro ni Lydia Calumpit. 

            Lima (5) ang pinili na may pinakamahusay na presentasyon sa field demo na kinabibilangan ng Dalagan Elementary School (4th Palce) – Php 3,000.00; Tinalunan Elem. School (3rd Place) – Php 5,000.00; Malamig Elem. School (2nd Place) – Php 8,000.00; Malusak Elem. School (1st Place) – Php 10,000.00 at ang tinanghal na kampeon ang Don Joaquin Roque Mem. Elem. School na tumanggap ng halagang Php 13,000.00.  Nakatanggap naman ng halagang Php 2,000.00 bilang consolation prize ang may partisipasyong paaralan.  Lahat sila ay pinagkalooban din ng plake bilang pasasalamat sa pakikiisa upang maging matagumpay ang nasabing paligsahan.

            Hapon naman ng October 1 nang simulan ang inabangan ng napakaraming manonood, ang“Indakan sa Kawayanan Street Dancing Competition.”  na sinalihan ng limang (5) secondary schools - ang Sacred Heart Academy, Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School, Malamig National High School, Bulbugan National High School at Manuel Adriano Mem. National High School.

                     Nag-umpisa ang street dancing ng mahigit 100 participants bawat paaralan sa kahabaan ng Poblacion simula sa Gloria Central School patungo sa itinalagang Festival Area.  Hinangaan ang sabay-sabay na indak, galaw at makapigil hiningang exhibition na lalong nagpahanga sa bawat manonood.

                              Nakapukaw din ng atensiyon ang magagara at makulay na props at costumes na kitang-kitang ginastusan ng bawat paaralan.

                     Pagdating sa Festival Area, ipinamalas muli ng mga kalahok ang galing sa pagsasayaw sa isinagawang in-place dancing na binigyan ng limitadong oras na anim na minuto bawat contingents. 

                     Ang paraan ng paggagrado ay ibinase sa performance na ipinakita sa street dancing (50%) at in-place dancing (50%). 

                              Pinasalamatan naman ni SB Member Edita Semilla, Committee Chairman on Street Dancing Competition ang lahat ng nakiisang paaralan, dahilan upang maging matagumpay ang programang ito.  “Lahat ng paaralan ay buong-husay na ipinakita ang kanilang galing sa pagsasayaw,” buong paghangang pahayag ng kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan.

                     Ipinagmalaki naman ni G. Chavit Zulueta, direktor ng halos lahat ng programa ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival na ang lahat ng mga hurado na inimbita sa street dancing ay konektado sa pagsusulong ng iba’t-ibang programang pang-turismo na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng ating lalawigan.

                     Kinilala rin ang hirap at sakripisyo ng mga trainors na nagsilbing utak sa malikhaing galaw ng bawat contingents sa pamamagitan ng paggagawad ng “Certificate of Appreciation” sa kanila. 

            Sa huli, tinanghal pa ring kampeon sa Street Dancing ngayong 2009 ang Sacred Heart Academy na matatandaang laging nag-uuwi ng pinakamataas na parangal sa Street Dancing nang nakalipas na mga taon.  Nakapag-uwi sila ng halagang Php 25,000.00 at plake.  Pumangalawa ang Malamig National High School (Php 20,000.00 + plake); pangatlo ang Pres. Diosdado Macapagal Memorial National High School (Php 15,000.00 + plake); pang-apat ang Manuel Adriano Memorial National High School (Php 10,000.00 + plake) at panglima ang Bulbugan National High School (Php 5,000.00 + plake).

            Ang Mataas na Paaralan din ng Sacred Heart Academy ang ginawaran ng parangal bilang may pinaka-artistic na props at costume.  Sinundan ito ng Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School at Malamig National High School.

           Kauna-unahan ding naganap sa kasaysayan ng Gloria at maging sa Silangang Mindoro ang pagbibigay ng “Best Music Award” likha ng ibat-ibang tunog gamit ang kawayan at iba pang instrumentong pang-musika.  Dito tinanghal na champion ang Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School sumunod ang Sacred Heart Academy at Malamig National High School.

            Gabi naman ng October 1, sa Municipal Gymnasium nang ipahayag ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez ang kanyang “State of the Bayan Address” o SOBA sa harap ng mamamayan ng Gloria at ilang panauhin mula sa iba’t-ibang sektor ng bayan.  Binuksan ito sa pamamagitan ng 2nd Special Session ng Sangguniang Bayan ng Gloria sa pangunguna ni Presiding Officer Vice Mayor Loreto S. Perez kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan.
Read more...
 
Editorial
SUMISIGLANG KALAKALAN SA BAYAN NG GLORIA            Sa pagbubukas ng tiangge day sa Pamilihang Bayan ng Gloria (Martes at Biyernes), unti-unting sumigla ang kalakalan sa bayang ito at ngayon ay nababanaag na ang  tuloy-tuloy na p... Read more...
Ordinances and Regulations
beach_resorts_in_gloria_032.jpg BEACH AT INLAND RESORTS MONITORING ISINAGAWA NG MENRO AT PENRO        Nagsagawa ng monitoring sa mga beach at inland resorts sa Gloria ang Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) katuwang  ang Provincial Environment and Natural Resources Office (... Read more...
 
Features
ms._gloria_sapphire_pix.jpg Miss Gloria Sapphire Maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang parte ng pagdiriwang ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival ang palulunsad ng Miss Gloria Sapphire para sa taong 2009.         &... Read more...
Message from the Mayor
dsc_0101.jpg State of the Bayan Address (SOBA) - Ni: Punong Bayan Romeo D. Alvarez         Mga kababayan, kalian lamang ay sinamahan niniyo akong mangarap ng pagbabago para sa ating bayan.  Isinigaw ko sa bawat sulok ng Gloria ang MAKABULUHANG PAGBABAGO.  At ngayon ay nalalapit na ako ... Read more...
 
Business
dsc_6580.jpg AGRI-TOURISM BOOTH FAIR             Simula pa lang noong September 25, namalas na ang naggagandahang kubo na gawa sa kawayan sa paglulunsad ng Agri-Tourism Booth Fair Competition na itinayo sa tinaguriang festiva... Read more...
Announcements
ORIENTAL MINDORO REALTY TAX PROMO HANGGANG MARCH 2009 NA LANG          "Buwis na inyong binabayaran, Sambayanang Mindoreño ang makikinabang." Ito ang kasalukuyang slogan ng Provincial Treasurer’s Office sa kanilang kampanya ukol sa pagbabayad ng... Read more...
     
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

We have 18 guests online

Visitor Counters

Visits today: 38
Visits yesterday: 100
Visits month: 1400
Visits total: 47875
Max.monthly visits: 3036
  occurred: 2010-1
Pages this month: 40535
Pages total: 1378137

Visitors by Country

Totals Top 25
 34 % Philippines
 16 % United States
 8 % United Kingdom
 5 % Germany
 5 % Russian Federation
 5 % Netherlands
 3 % China
 3 % Ukraine
 2 % Latvia
 2 % Israel
 < 1.0 % Saudi Arabia
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Taiwan
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Sweden
 < 1.0 % France
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Belize
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Luxembourg
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % Hong Kong