No account yet?
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size
  • default color
  • red color
  • green color
Home
MALUBAY…..Tahanan ng Natatanging Kuweba ng Gloria PDF Print E-mail
MAIKLING KASAYSAYAtwin_cave.jpgN AT MPORMASYON:          

     Isang bulubunduking lugar sa bayan ng Gloria…. tahimik…. pinagpala sa likas na yaman ….. yan ang Barangay Malubay.  Hango sa agos ng tubig ang pangalang Malubay  na ang ibig sabihin ay malumanay.  Sa lupain nitong humigit-kumulang sa 745,524 ektarya, nabubuhay ang pangunahing produkto ng barangay tulad ng saging, palay, niyog at root crops (kamote, balinghoy, singapore).  Ang pamayanang ito ay may bilang na populasyong 1,135 at bahayang may bilang na 226 ayon sa sarbey ng barangay health workers ng taong 2008. Karamihan sa mga residente dito ay pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay at pagpapaupa bilang karagdagang pinagkakakitaan. 

KATAHIMIKAN AT KAAYUSAN:            

          Ipinagmamalaki ng Barangay Tanod ng Malubay sa pamumuno ni Chief Roberto  Lumalang ang tahimik nilang pamayanan.  Bunsod ito ng mahigpit na pagpapatupad ng Sangguniang Barangay sa mga Ordinansa para sa katahimikan at kaaayusan ng kanilang komunidad.  Ipinagbabawal ang pagsusugal mula lunes hanggang biyernes maliban na lang tuwing araw ng sabado at linggo gayundin ang gumawa ng public scandal.  Ang unang paglabag ay papatawan ng penalty na nagkakahalaga ng PhP 300.00, sa ikalawa ay PhP 500.00 at ang ikatlo ay PhP 1,000.00.  Lahat ng paglabag ay may kasamang community service na isang araw na ayon sa kanila ay ang mas iniiwasan na mga residente.  Tuwing ikalawang gabi ang pagroronda ng mga tanod upang maiwasan ang karahasan at di magandang pangyayari.  Wala pang naitalang krimen mula ng hawakan ni G. Lumalang ang tungkulin bilang hepe ng tanod ayon sa panayam ng Gloria Ngayon sa kanya.  Idinagdag din niya na madaling pasunurin ang mga mamamayan ng Malubay lalo na sa batas na pinatutupad ng barangay.  Higit sa lahat, walang reklamo ang mga kasamahan niyang tanod kahit maliit lang ang suweldo sapagkat una sa kanila ang mag-silbi sa mga ka-barangay.  Hiling lang nila na magkaroon ng sapat na kagamitan na kailangan nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

USAPING PANG-KALUSUGAN:                     

          Tatlongput-walong  (38) malnourished na bata na may edad 0-71 buwan ang masinsinang tinututukan ngayon ng Barangay Health Workers ng Malubay.  Ang datos na ito ay nakalap base sa isinasagawa nilang regular na pagbisita at pag-alam sa kalagayang pang-kalusugan ng bawat pamilya sa kanilang barangay.  Isa ito sa pinagtutuunan nila ng pansin sa kasalukuyan sapagkat naniniwala sila na ang malusog na pamayanan ay kayamanan ng bayan.       

MGA PROYEKTONG PANGKAUNLARAN NG BARANGAY:                       

           Sa inisyatiba ni Kapitan Redentor Larga at pag-ayuda ng kaniyang mga kagawad, naisakatuparan ang mga proyektong pangkaunlaran ng barangay. katulad ng Small Irrigation System sa Sitio Dalasa, Spring Water System sa Sitio City Hills, Brgy. Road Opening buhat sa Sitio Riverside II patungong Sitio Masagana at Sitio City Hills papuntang Sitio Duluhan, concreting of Provincial Road, Outpost, Bigasan ng Barangay, Pineapple Plantation, forest Park at Solar Dryer.  Nagkaroon din ng katuparan ang matagal na nilang pinapangarap na magkaroon ng secondary high school sa kanilang barangay upang hindi na lumayo ang mga mag-aaral sa sekondarya sa kanilang lugar at maging kalapit barangay - ang Manuel M. Adriano Memorial National High School.  Kompleto rin sa pangunahing pasilidad ang barangay tulad ng Barangay Market, Barangay Hall, Barangay Health Station, Basketball Court, Day Care Center, Children’s Playground, Barangay Stage at Waiting Shade.   Subalit ang tatlong natatanging proyekto na kanilang naisakatuparan at higit na ipinagmamalaki ay ang secondary school, electrification at concreting.  Ipinagmamalaki rin ng Sangguniang Barangay ng Malubay ang malaking tulong na nagawa nila upang maipagkaloob na sa mahihirap nilang residente ang lupang kanilang kinatitirikan na pag-aari ng gobyerno.  Lahat ng ito ay naisagawa sa pinagsama-samang ayuda ng Pamahalaang Bayan, Panlalawigan, Nasyunal at ng Barangay.  Panukalang proyekto naman nila ang magkaroon ng marami pang proyektong pangkabuhayan, farm to market roads sa mga purok, Sitio electrification, Barangay Library at Museum ng Barangay. 

KARANGALAN NG BARANGAY:                                                                       

          Isa sa ipinagmamalaking karangalang nakamit ng barangay nang maparangalan bilang Most Outstanding Punong Barangay ang kanilang ama ng barangay na si Kapitan Redentor Larga sa nakaraang pagdiriwang ng 44th Founding Anniversary ng Gloria taong 2008.  Sila rin ang unang kampeon sa kauna-unahang pagsasagawa ng Booth Competition sa bayan ng Gloria.  Pumangalawa sa Street Dancing Competition kaugnay sa pagdiriwang ng Kawayanan Festival taong 2007.   Nagbigay karangalan din para sa barangay sina Sarah Gutierez na naging Miss Gloria at Hiyas ng Calapan at mga manlalarong sina Janessa Larga (MIMAROPA Softball Player), Renalyn Inao ( Regional Meet Softball Player), Arnel Manipol (MIMAROPA Volleyball Player) at Ronnel Seño (MIMAROPA Basketball Player). 

TWIN PANTHON CAVE, SUKATAN NG LAKAS AT TATAG:                              Ang Twin Panthon Cave ang ipinagmamalaking tourist spot ng Malubay bagaman hindi pa ito gaanong nadedevelop.  May layong lakarin na aabot sa 30 minuto mula sa Brgy. Hall at tatlong salungahing bundok bago marating ang nasabing kuweba.  Bagay ito sa mahilig mag-adventure na tao upang masukat ang iyong lakas at tatag.  Ang  kanang kuweba ay may habang 42 metro mula sa bukana hanggang sa dulong bahagi at may pinakamataas na bahagi na 6.5 feet.  Ang kaliwang bahagi naman ay may habang  18 metro mula sa bukana hanggang sa dulo at may pinakamataas na bahagi na 5 feet.  Nagtala ng taas na16 feet ang kabuuan ng kuweba.  Matatagpuan dito ang mapakaraming ibon na kung tawagin ay balinsasayaw, pugad at itlog, paniki, at guwano buhat sa mga dumi ng ibon na puwedeng gawing kumpos at posibleng pagkakitaan ng barangay.  Ayon sa mga opisyal ng barangay, may ginawa na silang ordinansa na nagbabawal sa pagkuha ng ibon, pugad, itlog, guwano at iba pang bagay ng matatagpuan sa paligid ng kuweba upang protektahan ang kagandahan at itinatanging yaman ng kuweba.  Ipinangako din nila na ide-develop nila ito upang kilalaning tourist spot ng Gloria.  Sino man sa inyo ang may sapat na tatag at lakas ng loob ay hinahamon upang subukang marating ang Twin Panton Cave                                                                          A LIKHA KA PROJECT BENEFICIARY:                                                                        Malaking tulong sa mga resident eng Malubay ang maging benepisyaryo ng Likha Ka Project ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ni Gob. Arnan C. Panaligan.  Pinangalanan nila ang kanilang samahan na TUNGHAY TUNGO SA KAUNLARAN ASSOCIATION (TTKA) na sa kasalukuyan ay may 26 na aktibong miyembro.  Ayon kay Community Development Coordinator Evelyn Borlado, layunin ng naturang programa na maturuan ang mga residente na matuto at magkaroon ng alternatibong pinagkakakitatan na siyang kailangan ngayon ng bawat pamilya.  Nagpahiram ang Pamahalaang Panlalawigan ng halagang PhP 50,000.00 bilang panimulang puhunan nang walang interest na babayaran sa loob ng tatlong taon.  Pinuhunan nila ito para sa hograising project at sa kasalukuyan ay meron na silang 1 inahing baboy at 22 palakihing baboy.  Nakapagbayad na rin sila ng halagang PhP 8,000.00 sa puhunang ipinahiram sa kanila ng pamahalaan.  Nagsasagawa ng pagbisita si Gng. Borlado ng dalawang beses sa isang linggo upang masiguro angmaayos na takbo ng proyekto.  Nakalinya na rin ayon kay Gng. Borlado ang proyekto para sa food processing, cosmetology and hair essence at reflexology.
 
< Prev   Next >
Headlines
  • Pause
  • Previous
  • Next
1/6
dsc_0197.jpgdsc_0612.jpgdsc_0651.jpg 45th Founding Anniversary & the 6th Kawayanan Festival - 8 Araw na Ipinagdiwang ng Bayan ng Gloria

              

          Masaya, makulay at makasaysayan!  Ganito   mailalarawan ang walong araw na pagdiriwang ng bayan ng Gloria sa kanyang Ika – 45 Anibersaryo at ng 6th Kawayanan Festival.  Ito ang selebrasyon ng tinaguriang “Sapphire Year” ng bayan ng Gloria.

            Masaya, sapagkat lahat ng inihandang aktibidad ay paghanga, papauri, ngiti at palakpakan ang ibinabalik ng mga manonood at panauhin.  Makukulay na dekorasyon naman ang makikita sa bawat tanghalan gayundin ang props at costumes ng lahat ng nagtatanghal at kalahok sa mga inihandang kompetisyon na lalong nagpatingkad sa naturang selebrasyon.  Makasaysayan, sapagkat isa ang pagdiriwang na ito sa maituturing na pinaka-grande at hindi malilimutang selebrasyon ng anibersaryo ng bayang ito na may temang “Nagkakaisang Mamamayan Tungo sa Matatag na Kaunlaran.”

                     Sinimulan ang pagdiriwang noong October 1 na siyang pinaka-araw ng pagkakatatag ng Bayan ng Gloria sa pamamagitan ng Misa ng Pasasalamat na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Willy Villas, Kura-Paruko ng Sacred Heart Parish upang magpasalamat sa Diyos sa patuloy na pagpapala at pagkalinga sa bayan ng Gloria.  Dinaluhan ang banal na misa ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo D. Alvarez, Vice Mayor Loreto Perez, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga opisyal ng barangay, DepEd Gloria District Family, mamamayan ng Gloria at mga panauhin.

            Pagkatapos ng Banal na Misa, isinunod ang Grand Parade ng mga kalahok sa Field Demo, Drums & Glockenspiel Exhibition at ng float sakay ang tinanghal na 1st Runner-Up, 2nd Runner-Up at Miss Gloria Sapphire kasama sina Mayor Romy Alvarez at Vice Mayor Loret Perez.

            Pinangunahan naman ni Public Schools District Supervisor Lauro L. de Belen ang pagsisimula ng Festival of Field Demonstration and Drums & Glockenspiel Exhibition. 

            Kompletong dalawangput-apat (24) na pampublikong mababang paaralan sa Gloria ang lumahok sa naturang kompetisyon.  Inisponsoran ito ng DepEd Gloria District Family na nagbigay ng temang “Sabay-sabay na Pagkilos at Paggalaw para sa Kaunlaran.

                     Nagpatalbugan sa iba’t-ibang estilo at kombinasyon ng galaw ang mga contingents na buong pagmamalaking sinuportahan ng kanilang mga trainors/coaches, guro, kapwa mag-aaral at higit sa lahat ang mga punong-guro ng bawat paaralan.

            Nagbigay sigla din sa Field Demo ang ginanap na Drums & Glockenspiel Exhibition na prenesenta ng mga paaralan ng Sacred Heart Academy, Gloria Central School at DJRMES gayundin ang Field Demo Exhibition ng mga estudyante ng CLJC Center for Excellence Development Academy at ng mga mag-aaral ng Mangyan mula sa Pakpak-Lawin Primary School sa pagtututro ni Lydia Calumpit. 

            Lima (5) ang pinili na may pinakamahusay na presentasyon sa field demo na kinabibilangan ng Dalagan Elementary School (4th Palce) – Php 3,000.00; Tinalunan Elem. School (3rd Place) – Php 5,000.00; Malamig Elem. School (2nd Place) – Php 8,000.00; Malusak Elem. School (1st Place) – Php 10,000.00 at ang tinanghal na kampeon ang Don Joaquin Roque Mem. Elem. School na tumanggap ng halagang Php 13,000.00.  Nakatanggap naman ng halagang Php 2,000.00 bilang consolation prize ang may partisipasyong paaralan.  Lahat sila ay pinagkalooban din ng plake bilang pasasalamat sa pakikiisa upang maging matagumpay ang nasabing paligsahan.

            Hapon naman ng October 1 nang simulan ang inabangan ng napakaraming manonood, ang“Indakan sa Kawayanan Street Dancing Competition.”  na sinalihan ng limang (5) secondary schools - ang Sacred Heart Academy, Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School, Malamig National High School, Bulbugan National High School at Manuel Adriano Mem. National High School.

                     Nag-umpisa ang street dancing ng mahigit 100 participants bawat paaralan sa kahabaan ng Poblacion simula sa Gloria Central School patungo sa itinalagang Festival Area.  Hinangaan ang sabay-sabay na indak, galaw at makapigil hiningang exhibition na lalong nagpahanga sa bawat manonood.

                              Nakapukaw din ng atensiyon ang magagara at makulay na props at costumes na kitang-kitang ginastusan ng bawat paaralan.

                     Pagdating sa Festival Area, ipinamalas muli ng mga kalahok ang galing sa pagsasayaw sa isinagawang in-place dancing na binigyan ng limitadong oras na anim na minuto bawat contingents. 

                     Ang paraan ng paggagrado ay ibinase sa performance na ipinakita sa street dancing (50%) at in-place dancing (50%). 

                              Pinasalamatan naman ni SB Member Edita Semilla, Committee Chairman on Street Dancing Competition ang lahat ng nakiisang paaralan, dahilan upang maging matagumpay ang programang ito.  “Lahat ng paaralan ay buong-husay na ipinakita ang kanilang galing sa pagsasayaw,” buong paghangang pahayag ng kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan.

                     Ipinagmalaki naman ni G. Chavit Zulueta, direktor ng halos lahat ng programa ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival na ang lahat ng mga hurado na inimbita sa street dancing ay konektado sa pagsusulong ng iba’t-ibang programang pang-turismo na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng ating lalawigan.

                     Kinilala rin ang hirap at sakripisyo ng mga trainors na nagsilbing utak sa malikhaing galaw ng bawat contingents sa pamamagitan ng paggagawad ng “Certificate of Appreciation” sa kanila. 

            Sa huli, tinanghal pa ring kampeon sa Street Dancing ngayong 2009 ang Sacred Heart Academy na matatandaang laging nag-uuwi ng pinakamataas na parangal sa Street Dancing nang nakalipas na mga taon.  Nakapag-uwi sila ng halagang Php 25,000.00 at plake.  Pumangalawa ang Malamig National High School (Php 20,000.00 + plake); pangatlo ang Pres. Diosdado Macapagal Memorial National High School (Php 15,000.00 + plake); pang-apat ang Manuel Adriano Memorial National High School (Php 10,000.00 + plake) at panglima ang Bulbugan National High School (Php 5,000.00 + plake).

            Ang Mataas na Paaralan din ng Sacred Heart Academy ang ginawaran ng parangal bilang may pinaka-artistic na props at costume.  Sinundan ito ng Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School at Malamig National High School.

           Kauna-unahan ding naganap sa kasaysayan ng Gloria at maging sa Silangang Mindoro ang pagbibigay ng “Best Music Award” likha ng ibat-ibang tunog gamit ang kawayan at iba pang instrumentong pang-musika.  Dito tinanghal na champion ang Pres. Diosdado Macapagal Mem. National High School sumunod ang Sacred Heart Academy at Malamig National High School.

            Gabi naman ng October 1, sa Municipal Gymnasium nang ipahayag ni Punong Bayan Romeo D. Alvarez ang kanyang “State of the Bayan Address” o SOBA sa harap ng mamamayan ng Gloria at ilang panauhin mula sa iba’t-ibang sektor ng bayan.  Binuksan ito sa pamamagitan ng 2nd Special Session ng Sangguniang Bayan ng Gloria sa pangunguna ni Presiding Officer Vice Mayor Loreto S. Perez kasama ang mga Miyembro ng Sangguniang Bayan.
Read more...
 
Editorial
SUMISIGLANG KALAKALAN SA BAYAN NG GLORIA            Sa pagbubukas ng tiangge day sa Pamilihang Bayan ng Gloria (Martes at Biyernes), unti-unting sumigla ang kalakalan sa bayang ito at ngayon ay nababanaag na ang  tuloy-tuloy na p... Read more...
Ordinances and Regulations
beach_resorts_in_gloria_032.jpg BEACH AT INLAND RESORTS MONITORING ISINAGAWA NG MENRO AT PENRO        Nagsagawa ng monitoring sa mga beach at inland resorts sa Gloria ang Tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) katuwang  ang Provincial Environment and Natural Resources Office (... Read more...
 
Features
ms._gloria_sapphire_pix.jpg Miss Gloria Sapphire Maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang parte ng pagdiriwang ng 45th Founding Anniversary at ng 6th Kawayanan Festival ang palulunsad ng Miss Gloria Sapphire para sa taong 2009.         &... Read more...
Message from the Mayor
dsc_0101.jpg State of the Bayan Address (SOBA) - Ni: Punong Bayan Romeo D. Alvarez         Mga kababayan, kalian lamang ay sinamahan niniyo akong mangarap ng pagbabago para sa ating bayan.  Isinigaw ko sa bawat sulok ng Gloria ang MAKABULUHANG PAGBABAGO.  At ngayon ay nalalapit na ako ... Read more...
 
Business
dsc_6580.jpg AGRI-TOURISM BOOTH FAIR             Simula pa lang noong September 25, namalas na ang naggagandahang kubo na gawa sa kawayan sa paglulunsad ng Agri-Tourism Booth Fair Competition na itinayo sa tinaguriang festiva... Read more...
Announcements
ORIENTAL MINDORO REALTY TAX PROMO HANGGANG MARCH 2009 NA LANG          "Buwis na inyong binabayaran, Sambayanang Mindoreño ang makikinabang." Ito ang kasalukuyang slogan ng Provincial Treasurer’s Office sa kanilang kampanya ukol sa pagbabayad ng... Read more...
     
Advertisement

Webmail

Username
Password

Who's Online

We have 22 guests online

Visitor Counters

Visits today: 26
Visits yesterday: 108
Visits month: 1288
Visits total: 47763
Max.monthly visits: 3036
  occurred: 2010-1
Pages this month: 37725
Pages total: 1375327

Visitors by Country

Totals Top 25
 34 % Philippines
 16 % United States
 8 % United Kingdom
 5 % Germany
 5 % Russian Federation
 5 % Netherlands
 3 % China
 3 % Ukraine
 2 % Latvia
 2 % Israel
 < 1.0 % Saudi Arabia
 < 1.0 % Unknown
 < 1.0 % Taiwan
 < 1.0 % Canada
 < 1.0 % Sweden
 < 1.0 % France
 < 1.0 % India
 < 1.0 % Korea, Republic of
 < 1.0 % Brazil
 < 1.0 % Belize
 < 1.0 % Italy
 < 1.0 % Luxembourg
 < 1.0 % Spain
 < 1.0 % Japan
 < 1.0 % Hong Kong